Sen. Chiz nakikiusap na tantanan na sila
Nasa gitna ngayon ng kontrobersiya si Sen. Chiz Escudero laban sa mga magulang ng girlfriend na si Heart Evangelista. Sinabi ng senador na kahit hindi pabor sa kanila ang mga magulang ng aktres ay nananatiling matatag ang kanilang relasyon.
“Maayos ang aming samahan ni Heart at para sa akin isa itong hamon para masubukan kung gaano katatag ang aming relasyon.
“Umaasa pa rin ako na malalampasan namin ito. Buo ang aking pag-asa dahil mahal na mahal namin ang bawat isa,†sabi ni Atty. Chiz.
Idinagdag pa rin nito na hindi niya inihalo ang trabaho sa kanyang personal na buhay. Ayaw din nitong makialam sa isyung pampamilya.
Nakikiusap si Sen. Chiz sa kanilang detractors na sana ay huwag gawing kumplikado ang relasyon ni Heart sa kanyang mga magulang.
Gianna paborito ng mga katrabahong teenager
Maaasahan din sa pag-arte ang anak nina Sen. Bong Revilla at Rep. Lani Mercado na si Gianna Revilla. Lahat ng lalaki sa Teen Gen ay gusto siya at maging ang mga kababaihan ay iniidolo siya. Enjoy din si Gianna sa karakter na ginagampanan bilang si Madison at nang mapasangkot ito sa gulo kina Lyka at Angge ay nagbago ang pagtingin sa kanya ng girls.
Ngayong Linggo sa Teen Gen ay nagselos si Lyca kay Lucho at nadisgrasÂya sila sa motor na ikinabahala ng TG Barkada. Nakakaaliw naman sina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa karakter na Peachy at Wacks na dahil sa maÂtinding kalasingan ay napa-I love you si Peachy kay Wacks.
Asawa ni Alfred may trauma sa katulong
Huwarang asawa at ina ng tahanan ni Yasmine Espiritu ayon sa kabiyak na si Konsehal Alfred Vargas. Siya ang personal na nag-aasikaso sa asawa at dalawang anak na sina Alexandra at ArÂyana. Umaasa ang mag-asawa na mabibiyayaan din sila ng anak na lalaki.
Noon ay may katulong sila pero na-trauma yata si Yasmine nang pagnakawan sila kaya ayaw na nilang kumuha ng maid. Ang ending, si Yasmine ang gumagawa ng mga gawaing bahay.
Sabi ni Alfred, “Mabuti na lang at masipag ang aking asawa. Ayaw na talagang kumuha ng kasambahay.â€
Excited na ang aktor-konsehal dahil ang pelikulang Supremo na tumatalakay kay Andres Bonifacio ay kasali for competition sa Malaysia.
- Latest