Sunshine huli para magpakita uli ng katawan!
Maaaring sabihin na late na ang desisyon ni Sunshine Cruz na pumayag na maging cover girl muli ng isang men’s mag makaraan ang mahigit sa sampung taon mula nang una niya itong gawin. Pero sino ang makapagsasabi, baka sorpresahin pa niya ang lahat kapag napatunayan niyang kahit tatlo na at malalaki na ang kanyang mga anak ay nagawa pa rin niyang maalagaan ang kanyang katawan?
O baka naman paraan niya ito para maipamukha sa kanyang asawang si Cesar Montano ang hindi magandang ginawa niya sa kanya?
Ynna oras ang kalaban kay Mark
Kung ang magandang samahan nina Mark HerÂras at ng girlfriend niyang si Ynna Asistio ay naapektuhan ng pakikipagtambal ng una kay Kylie Padilla sa Unforgettable, wala rin kayang seÂlosan ang maganap sa pagitan nina Kylie at Aljur Abrenica?
Nasa cool-off period na naman sina Mark at Ynna at ang sinasabing dahilan ay ang malabis na pagseselos ng girlfriend ni Mark sa anak ni Robin Padilla. Hindi na nito naisip na may kasalukuyang karelasyon si Kylie at parang kailan lamang nito isina-publiko ang kanyang love life. For the longest time ay wala silang inamin ni Aljur maski na sa kanyang amang si Robin na tinutulan pa ang pakikipag-relasyon ng anak. Ngayong may bendisyon na mula sa kanya ang dalawa at saka pa ba papasok ang problema nina Mark at Ynna?
Kakulangan ng panahon, lalo na sa panig ni Mark, ang dahilan ng sinasaÂbing panlalamig ng relasyon ng dalawa. Masyado raw naka-concentrate si Mark sa bago niyang teleserye kung kaya hindi niya mabigyan ng panahon si Ynna. Pero bago pa ang Unforgettable ay naging problema na ito ng dalawa kaya hindi maaaring si Kylie ang maging dahilan ng pagseselos ni Ynna. Walang problema sa relasyon nina Kylie at Aljur para mabaÂling ang loob ng una sa kanyang kapareha sa Unforgettable. Ang kailaÂngang magpatatag ng kanilang relasyon ay sina Mark at Ynna para walang napagbibintangan o nadadawit kapag ganyang nagkakaroon sila ng cool off.
Benjie hindi nag-iisa sa pagpasok sa Kapamilya
Hindi nag-iisa si Benjie Paras sa pagiging Kapamilya. Kasama niya ang kanyang nagbibinatang anak, ang panganay nila ng nakahiwalayan niyang si Jackie Forster, sa kanyang paglipat sa ABS-CBN.
Kasama sana ang bagets niya sa bagong batch ng Star Magic artists na inilunsad kamakailan pero marami itong inaasikaso para sa kanyang graÂduaÂtion sa high school sa Ateneo kung kaya hindi ito nakahabol. Pero hindi man ito nakasama sa mga bagong artista ng network, magkakaroon din naman siguro ito ng sarili niyang launching sa pamamagitan ng isang bonggang show.
May nakababatang kapatid din itong artista material pero baka ayaw pang payagan ni Benjie na mag-artista hanggang hindi gumagradweyt ng high school.
Jennylyn at Lovi parehong pasa-pasa sa kanilang eksena
Masusubok kung gaano kagagaling na artista sina Lovi Poe at Jennylyn Mercado sa The Bride and The Lover. Hindi nagpatalo sa isa’t isa ang dalawa maging sa kanilang mga eksenang pisikal na kung saan ay nagkapasa-pasa sila. Anim na oras kinunan ang nasabing eksena na mabuti at sa huling shoot ng pelikula kinunan dahil kung hindi ay mahirap itago ang maraming pasa na natamo nila, lalo na ni Lovi, sa nasabing eksena.
Kasama sa pelikula si Paulo Avelino na siyang pinag-aagawan ng dalawang aktres.
All-star cast ang pelikula ni Joel Lamangan na nagtatampok din kina Joem Bascon, Hayden Kho, Jr., Tim Yap, Alex Castro, Aaron Villena, Carmi Martin, Ariel Ureta, Buboy Garovillo, Tom Rodriguez, Kat Alano, at Carla Dunareau.
- Latest