^

PSN Showbiz

James naka-jackpot sa P60M

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kung totoong mga P60 million ang nakuha ni James Yap sa naging paghihiwalay nila ni Kris Aquino, aba, eh naka-jackpot siya. Hindi rin naman siya nalugi sa ilang taong pagsasama nila ng presidential sister.

Wala siyang dapat ipagsisi sa naging pag-aasawa niya dahil bukod sa napa­kalaking halagang nakuha niya ay may isa pa rin siyang lovable na Bimby na carbon copy niya. Balitang ang bagay na ito ang ipinagsisintir ni Kris dahil halos sa kanya mismo nanggaling ang pera at propredad na pinaghatian nila.

Kris ‘pinahihirapan’ ang abogado

Hindi naman siguro agad-agad na maiiwan ni Kris Aquino ang lahat niyang shows sa ABS-CBN, may mga malalabag siyang kontrata. At mas pahihirapan niya ang trabaho ng kanyang abogadong si Atty. Frank Chavez. No, I’m sure makikita’t mapapanood pa natin siya.

Masama lamang siguro ang kanyang loob kaya siya nakapagsalita ng ganun. Kapag umalis siyang walang kaabug-abog, madaragdagan na naman ang maraming kasalanan niya na pinaniniwalaan ng marami na ginawa niya.

Jake kinuhang endorser ng unibersidad sa Cabanatuan

Kinuha na ring image model si Jake Vargas ng paaralang AIE University na matatagpuan sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Nagkagulo ang mga taga-Cabanatuan nang iparada kamakailan dun si Jake para sa promosyon ng nasabing paaralan.

Bukod sa motorcade ni Jake, dinumog din ang ikatlong pa-premiere ng kanyang indie film na Delusyon na idinirek ni Neal Buboy Tan. Puno ang sinehan na pinaglabasan nito sa Mega Center, sa Cabanatuan din. Napanood na rin ng mga taga-Rosales, Pangasinan ang Delusyon sa isa sa tatlong pa-premiere na ginawa nito sa mga unibersidad.

Hinhintay na ni Jake na masimulan ang bagong teleserye niya sa GMA 7 na muling pagtatambalan nila ni Bea Binene, ang Home Sweet Home.

Mahal na Araw simula na!

Simula na naman ng pagdiriwang natin ng Mahal na Araw. Bukas, pa-Manaoag na naman kami para sa aming taunang pilgrimage sa Our Lady of Manaoag. Hindi ko malaman kung ilang taon na namin itong ginagawa pero nakakatatlong dekada na kami, hindi ba Vero Samio?

Welcome namang sumama sa amin ’yung mga may gusto, magsabi lang agad para kung kaila­ngang magdagdag ng sasakyan ay gagawin ko.

Dati, nung panahon ng That’s Entertainment ay ma­­raming miyembro ang sumasama kaya umaabot kami ng tatlo hanggang apat na malalaking bus.Nga­yon, hanggang dalawang bus na lamang kami. Madalas nga ay kumakasya na kami sa isa.     

Hindi kami nagmamadali, parang nagku-cruise lang kami. Basta ang kailangan naming maabutan ay ’yung alas-doseng misa sa Manaoag. Dun na rin kami nagsisindi ng mga kandila, nagbibigay ng aming petisyon, at humahalik sa imahe ng Our Lady of Manaoag. Pagkatapos ay nanananghalian kami sa bahay ng mga De Venecia, nina Joe at Gina de Venecia, sa San Fabian, Pangasinan. Pagkatapos ng masarap na kainan, pahinga ng konti at balik na naman kami ng Maynila. On our way home walang puknat na bilihan ng mga pasalubong, mula sa ba­ngus Bonoan, patis, suka, dried fish, prutas, kaka­nin, bawang, sibuyas, at kung anu-ano pa. Maski na ma­bibigat na langka, kinakayang dalhin ng mga ka­sama kong shopaholics.

Samahan n’yo kami sa aming biyahe sa pamamagitan ng inyong mga dasal. Ipagdarasal din namin kayo in return.

ARAW

BEA BINENE

CABANATUAN

CABANATUAN CITY

DE VENECIA

KAMI

OUR LADY OF MANAOAG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with