^

PSN Showbiz

Planong pag-iwan sa showbiz hindi pumuwede sa tatlong show ni Kris

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglabas ng official statement ang ABS-CBN kaugnay sa sinabi ni Kris Aquino na tatalikuran na niya ang showbiz at iiwan ang kanyang tatlong programa sa ABS-CBN.

Hindi naman pala puwede dahil tuloy ang trabaho niya pagbalik ng bansa galing ng Europe kasama ang mga anak at mag-uusap pa sila ng pamunuan ng Kapamilya Network.

Narito ang kabuuan ng statement :

“Ms. Kris Aquino and her kids are going on an earlier planned vacation starting today, March 23. Upon her return, Kris will fulfill her commitments to her soap Kailangan Ko’y Ikaw, which is nearing its end. She will also have to stay as a judge in Pilipinas Got Talent till its end on June. Being a foreign franchise, there are commitments we have to fulfill and rules we need to abide by.

“Kris TV had taped advanced episodes in anticipation of her long planned vacation with her sons.

“Ms. Kris Aquino and ABS-CBN management are also  scheduled to meet upon her return to Manila. Meanwhile, we wish Kris and her sons a peaceful and restful vacation. We respect  her need for privacy at this difficult time.” Bong R. Osorio, Head of ABS-CBN Integrated Corporate Communications

Maalalang nagbitaw ng pahayag si Kris na tatalikuran na niya ang showbiz dahil gusto niyang maging maayos ang buhay ng kanyang anak particular na si Bimby matapos ang mainit na isyu sa kanila ng dating asawang si James Yap.

Samantala, mabilis na naayos kahapon ang website ni Kris.

Kumalat ang balitang hacked ito pero nang i-check ko ay hindi naman at maayos na maayos na.

Nakaalis na ang mag-iina kahapon papuntang Paris. Sana nga ay matahimik sila sa kanilang bakasyon.

Maya at Sir Chief, lilipad sa Middle East ngayong Holy Week

Sa Huwebes (Marso 28) na ang simula ng pinakaaabangang world tour ng no.1 kilig-serye sa bansa na Be Careful With My Heart  kung saan personal na makikisaya sa Kapamilya fans overseas ang cast ng show sa pangunguna nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Sir Chief (Richard Yap).

Sa pakikipagtulungan ng The Filipino Channel (TFC), ang kick-off ng world tour sa Marso 28 ay itatanghal sa Abu Dhabi, Du Forum, Yas Island sa ganap na 9:00 p.m. hanggang 10:30 p.m. Sa Marso 29 (Biyernes) naman ay dadayo sina Maya at Sir Chief sa Dubai, Indian High School, Oud Metha Dubai para sa special treat nila mula 8:00 pm hanggang 9:30 p.m.

Sa mga TFC subscriber na nais makisaya sa Be Careful With My Heart world tour sa Middle East, maaari lamang tumawag sa mga numerong 0506708699 at 0529089789.

Pagkatapos ng tour sa Middle East, US at Canada naman ang pupuntahan nila.

Magsasabog ng good vibes sa Los Angeles sina Maya at Sir Chief sa Mayo 10 (Biyernes) at sa Florida sa Mayo 12 (Linggo). Makiki-join rin ang cast sa One Kapamilya Go! event sa Mayo 19 (Linggo) na gaganapin sa Metro Toronto Convention Centre sa Toronto, Canada.

Coming soon, sasagutin ang pagwawakas ng mundo

Kakaiba at natatanging kuwento ng magkakaibigan at barkadahan ang hatid ng unang film venture ng Fearless Production at Brown Sugar Entertainment na Co­ming Soon! Kuwento ito ng anim na magkakaibigan na nagsama-sama at isa-isang ginawa ang pangarap sa buhay nang malaman nilang magugunaw na ang mundo!

Ayon sa isa sa producers na si Neil Arce, kaya Coming Soon ang napili nilang title ng movie ay dahil naniniwala ang magkakabarkada na parating na nga ang end of the world! Di nga ba’t last 2012, kumalat ang balitang magwawakas na ang mundo?

“’Yun ‘yung reason kung bakit ginawa nila ‘yung ginagawa nila. Paano magsu-survive kung end of the world na. Ano ang best way to survive? Kung kailangan nilang gawin ang dapat nilang gawin? Or kung hindi totoo ang end of the world!” pahayag ni Neil.

Nakadama man ng hirap si Neil bilang isa sa producers ng movie, nasiyahan naman siya habang ginagawa ang movie.

“It’s fun kasi kaibigan ko ang lahat eh! Kumbaga, shock absorber ako ng lahat ng problema! Sabi ko nga, para siyang tattoo ko. Ang sakit habang ginagawa pero pagkatapos, ang gandang tingnan!” katwiran ni Neil.

Base sa trailer ng movie, malaki ang potensiyal na magustuhan ito ng manonood dahil walang pretension na ang tanging hangad ng movie ay pasayahin ang publiko!

Bago ang dating ng komedya nina Boy 2, Andi Eigenmann, Glaiza de Castro, Dominic Roco, Carla Humpres at Cholo Barretto. Lutang na lutang ang galing ng bawat isa sa eksenang ipinagawa ng bagong director na si Martin Aviles.

Si Monica (Andi) ay isang rebeldeng anak ng isang socialite. Si Boy 2 ay si Sikyu, lider ng grupo na walang matinong plano sa buhay.

Hopeless romantic na computer geek si Dominic bilang si Darwin habang si Glaiza ay si Sab na seryoso sa buhay at masistemang babae.

Si Cholo ay si Nacho na isang mabuting kaibigan na may kakaibang hilig sa hindi normal na bagay at si Carla ay si Dana, isang starlet na ang tanging pangarap sa buhay ay umani ng palakpak sa kahit anong paraan.

Sa Coming Soon, sasagutin ang mga tanong na : Ano ang dahilan kung bakit sila nagkakasundo? At sapat bang dahilan ang napipintong katapusan ng mundo para sila magkawatak-watak?

Alamin sa Abril 17 ang mga pasabog, pakulo at paandar ng pelikula.

 

 

 

 

 

 

ABU DHABI

ANDI EIGENMANN

BE CAREFUL WITH MY HEART

KRIS

MIDDLE EAST

MS. KRIS AQUINO

NEIL

SIR CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with