A Music Theory, kampeon sa Red Horse Beer Muziklaban
MANILA, Philippines - Mga taga-La Salle ang nagwagi sa Red Horse Beer Pambansang Muziklaban na ginanap kamakailan sa Pasay City.
Ang bandang A Music Theory na binubuo nina Cholo Pabalan, JC Santos, Lorce Manaois, at John Jo Presingular ang nanalo ng kalahating milyong piso kasama ang exclusive recording contract mula sa Red Horse Beer and MCA Universal at iba pang papremyo mula sa Dickies.
Tinalo ng nasabing banda ang Katulad (Northern Luzon), Fidortchi (Southern Luzon), Disengage (Visayas) and Memoronnie (Mindanao) sa event kung saan hosts sina Phoemela Baranda at Francis Brew.
Humatak rin ng mga tao ang mga rock gods na sina Joey “Pepe†Smith, Ely Buendia, at Slapshock.
Sa raffle na pinakaaabangan ng marami ay nanalo si Walther Calderon ng Taguig ng isang customized na Red Horse Beer 900cc Vulcan motorcycle na nagkakahalaga ng halos P1 milyon. Mahigit 18,000 katao ang sumali sa nasaÂbing promo. Ang nasabing bike ay pina-customize sa Hardcore Brothers.
Sa ika-14 na taon ng Muziklaban ay namigay rin ang Red Horse Beer ng P14,000 sa 14 na katao at 196 cases ng Red Horse Beer 330ml.
Maliban sa tugtugan ay nagkaroon rin ng exhibit ang Hollywood tattoo artist na si Chris Garcia sa Pinoy Ink Tent at nagpakitang gilas rin ang BMX at mountainbike riders sa Extreme Sports Zone. Sa Horsepower Zone ay nagkaroon ng auditions para sa mga sasali sa Muziklaban sa susunod na taon.
Para pa sa ibang kaalaman tungkol sa Muziklaban ay maaring magpunta sa website na www.redhorsebeer.com, Facebook.com/redhorsebeer and Twitter: @RedhorsebeerPH.
- Latest