Kinasuhan ng physical injury, John Prats namaga ang pisngi sa sampal at suntok ni Jason
Kung dumaranas man ngayon ng malaking probÂlema ang dating magdyowang Kris Aquino at James Yap na humantong sa pamamaalam ng una sa showbiz at sa pakikialam ng mga magulang ni Heart Evangelista sa relasyon nila ni Sen. Chiz EsÂcudero, mukhang nalampasan na nina Melai CanÂtiveros at Jason Francisco ang unang bulto ng kanilang paghihiwalay at kung dati ay ang comedienne ang humahabul-habol kay Jason, ngayon ang huli na ang umaamot ng kanyang pagmamahal at, sa tulong ni Kris, ang kanilang pinagdadaanan ay nauwi sa tunay na balikan.
Bagama’t kay Melai na mismo nanggaling na gusto pa niyang i-enjoy ang kanyang pag-aartista at ganun din naman si Jason, napag-uusapan na ng dalawa ang kasal pero bilang bahagi ng isang permanenteng relasyon in the future at hindi pa ngayon. Ang tiyak, silang dalawa na forever.
Napag-uusapan na rin lamang si Jason, sinampahan ito ng kasong physical injury ni John Prats nang walang dahilan ay bigla siyang nilapitan sa kaÂnilang taping at walang sabi-sabing sinampal at siÂnuntok siya nang ubod ng tindi. Nang pumunta sa istasyon ng pulis para magbigay ng kanyang pahaÂyag at magsampa ng reklamo si John ay namamaga pa ang pisngi niya na tinamaan ng sampal ni Jason.
Sinabi ng aktor na wala siyang alam na dahilan kung bakit siya sinaktan ng komedyanteng katrabaho sa Banana Split maliban sa ito ay napikon na sa nakasanayan nilang biruan.
Kris hindi na nagpakita
Marami naman ang umasam na mapanood ng live si Kris Aquino sa kanyang pang-umagang programa sa telebisyon, ang Kris TV, para mabigyan pa ng linaw ang mga kaganapan sa pagitan nila ng dati niyang asawang si James Yap matapos ang interview na ginawa sa kanya ng dalawang major TV networks nung Huwebes ng gabi, dalawang araw bago sila umalis patungong Europa kasama ang kanyang dalawang anak at ilang kaibigan para sa kanilang Holy Week vacation.
Pero nabigo ang lahat dahil isang taped show ang mapapanood ng lahat tungkol kina Melai Cantiveros at Jason Francisco na bagama’t nagbigay kilig sa manonood ay ni walang mention tungkol sa kasalukuyang pinagdadaanan ng Queen of All Media. Pinakakaabangan ng lahat ang kahahantungan ng hearing na ginanap kahapon din, kung papanigan ng korte ang kahilingan ni James na hindi mapaalis si Kris at ang mga anak niya na aniya ay ginagawa nito para rin sila mapaghiwalay ni Bimby.
Magic kamison ni Mother Lily ipinasa na kay Marian
Akala ko ay mga artistang lalaki lamang ang nagpapakita ng puwet sa kanilang mga pelikula pero sa My Lady Boss ay kay Marian Rivera natoka ang pagsusuot ng magic kamison ni Mother Lily Monteverde. Bagama’t nasanay na tayo at kabisado na rin natin ang hugis ng katawan ni Marian na ilang ulit na niyang ipinakita sa mga manonood sa kanyang mga palabas sa TV at pelikula, first time nating makikita ang kanyang puwet. Hindi naman nag-aalala ang aktres dahil kinunan naman ito ng maganda ng direktor.
Marami ring kissing scenes si Marian kay Richard Gutierrez, hindi patatalo sa rami ng kissing scenes niya kina Dennis Trillo at Rafael Rosell sa Temptation of Wife.
Zaijian mas gustong maging dancer
Isa na namang makabuluhang episode ang ibabahagi ng Wansapanataym ngayong gabi sa episode na No Read, No Write Nomar. Gagampanan ni Zaijian ang papel ng isang batang walang pakialam sa kanyang pag-aaral dahil sa kanyang pangarap na maging isang magaling na dancer.
Mapapanood ang Wansapanataym pagkatapos ng Kapamilya: Deal or No Deal sa ABS-CBN.
- Latest