Aga pahinga na sa Pinoy Explorer, tututok na sa kampanya!
MANILA, Philippines - Doble-saya ang naghihintay sa mga Kapatid viewers ngayong weekend, lalo na’t ibang level ng excitement ang hatid ng Pinoy Explorer and Kanta Pilipinas sa TV5. Panibagong adventure ang tutumbukin ni Aga Muhlach sa Pinoy Explorer sa Sabado pagpatak ng 7:00PM, samantalang malalaman na kung sino ang magwawagi sa unang reality singing competition ng bansa—ang Kanta Pilipinas—sa Linggo, 9:00PM.
MaÂpapanood sa Sabado ang huling Pinoy Explorer episode ni Aga bago ito magsiÂmulang mangampanya para sa nalalapit na eleksiyon. Pupunta siya sa Sarangani at General Santos City, kung saan maÂsusubukan niyang mangÂhuli ng flying fish. Mismong si Aga ang susubok sa paglipad dahil magÂpa-paraglide rin siya. KaÂsama ng Pinoy Explorer host ang close friend nitong si Bayani Agbayani sa pagÂdaÂlaw sa GenSan gym kung saan nagte-train ang PamÂbansang KaÂmaÂo na si Manny PacÂquiao. MaÂkasuntok din kaya sila tulad ng People’s Champ?
DobÂle-entertainment naman ang dala ng Kanta Pilipinas ngayong weekend. PagdaÂting ng 9:00PM ng Sabado, malalaman na kung sino sa mga natitirang walong finalists ang maglalaban-laban sa grand finals na mapapanood naman sa Linggo ng gabi sa parehong oras.
Sino kaya kina Nicole & Carlo, Pia, Timmy, Thara, Ricky, Ferns, Chadleen at Jeniffer ang mag-uuwi ng grand prize na PhP 1M at recording conÂtract? Samahan ang host na si Rico Blanco, pati na ang mga judges na sina Maestro Ryan CaÂyabyab at Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa finals ng Kanta Pilipinas sa Sabado at Linggo.
- Latest