^

PSN Showbiz

Tambalang John Lloyd at Sarah nakakahinayang kung tatapusin sa kanilang ikatlong pelikula

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

I’m sure walang regrets na nadarama si John Lloyd Cruz na hindi niya niligawan si Sarah Geronimo nung nabigyan siya ng pagkakataon. Sinabi naman niya na hindi niya ito mapapangatawanan nun at hindi siya makakasunod sa mga regulasyon na ibinigay ng mga magulang nito.

Wala nga namang bad blood sa kanila ngayon ng Pop Princess at sa halip ay naging mabuti pa silang magkaibigan. Pero bakit kinakailangang maging huling pelikula nilang magkasama ang It Takes a Man and a Woman? Mag-i-stick ba sila sa sinabi kahit mag-hit uli ang balik-tambalan nila?

Richard at Maricar pinaboran sa kanilang pananahimik

Nakakabuti kina Richard Poon at Maricar Re­yes ang pagiging matahimik ng kanilang relasyon. Hindi man sila napag-uusapan eh hindi rin sila naiintriga. They like it better that way.

Oo naman, kesa naman lahat ay nakatuon sa relasyon nila. Hindi maganda ’yun. Hindi sila matatahimik at mas malamang hindi mag-last ang relationship nila.

Kapamilya nababawasan ng magagaling na artista

Nagbabalak din palang maging Kapuso ni Jason Abalos. Hindi ako magtataka dahil bibihira ko na siyang mapanood eh hindi naman siya pipitsuging artista. Bukod sa magaling umarte ay guwapo pa rin siya. Aba, hindi siya tatanggihan ng Siete at maging ng Singko.

Parents ni Heart ipinagsisigawan pa ang disgusto kay Sen. Chiz, mas gustong pinag-uusapan

Ano ba naman ang mga magulang ni Heart Evangelista? Bakit ipinagmakaingay pa ang pag-ayaw nila kay Sen. Chiz Escudero para sa anak nila? Hindi ba puwedeng pinag-usapan na lang nila ito kesa inilagay nila ang mga sarili nila sa alanganin? Granting na ayaw silang sundin ng anak nila, eh nasa edad na ito para magdesisyon sa sarili nila. Wala na talaga silang magagawa kundi ang mag-usap-usap. Gusto ba nilang pinag-uusapan sila sa lahat ng sulok ng bansa, at posibleng maging hanggang labas?

Hayaan na nila si Heart. Baka nga naman tama ang anak at maging maligaya sa kanyang desisyon. Kaysa naman hindi pa ito nakakasal ay hindi na agad maganda ang relasyon nila sa mapapangasawa. Wala ba silang tiwala sa desisyon ni Heart? Kung nagkamali ito eh dun nila tulungan. At least give her the benefit of the doubt. Magkamali man siya it’s her choice. Pero bilang magulang dapat nandun kayo to help her pick up the pieces. Ito naman ay kung nagkamali siya.

 

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

IT TAKES

JASON ABALOS

JOHN LLOYD CRUZ

MARICAR RE

NAMAN

NILA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with