^

PSN Showbiz

Lalaking ni-rape ang pinsan habang natutulog, papapanagutin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutulungan ni Anthony Taberna na mapanagot ng isang 17 taong gulang na babae ang pinsan niyang gumahasa sa kanya habang siya’y natutulog ngayong (Marso 21) sa Pinoy true Stories: Demandahan.

Nagising na lamang si “Sarah” na nananakit ang katawan at may dugo ang salawal. Nang makita niyang hubad ang kanyang pinsan na si “Eddie,’ alam na niyang hinalay siya nito pero hindi kaagad nagsumbong sa kanyang mga magulang.

Pinagsamantalahan ni Eddie, 16 taong gulang, ang kundisyon ng pinsan na may matinding problema sa pagtulog. Hirap makatulog si Sarah tuwing gabi pero sa sandaling makatulog naman siya, tulog-mantika naman at hindi magi­sing lalo na kung pagod sa maghapong paglalaba.

Sinamahan ni Tunying si Sarah na dumulog kay Atty. Janine Banaga upang malaman kung paano niya mapapanagot ang pinsan. Sa pagtatanghal na ito, detalyadong ipaliliwanag ang Anti-Rape Law of 1997. Pero paano makaaapekto ang Juvenile Justice and Welfare Act sa kaso?

Kung mapatunayang may sala si Eddie, makukulong ba siya o makakaiwas dahil siya ay menor de edad pa?

ANTHONY TABERNA

ANTI-RAPE LAW

DEMANDAHAN

EDDIE

HIRAP

JANINE BANAGA

JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT

MARSO

NAGISING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with