^

PSN Showbiz

Pagari magpapakita ng samahan ng Muslim at Katoliko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Challenge kay Robby Tarozza ang pelikulang Pagari dahil unang sabak niya ito sa pagdidirek. Dahil producer din siya ng movie na ito ay ipinaubaya niya kay Bing Nellasca ang ilang eksena para matapos ito. Marami kasi siyang inaasikaso at isa rin siya sa artista sa Pagari na showing ngayong March 20 under Goldmine Entertainment Productions.

Marami ang nagtatanong kung gay movie ba ang pinagbibidahan nina Teejay Marquez at Arkin Del Rosario dahil inspired ng Thai movie na Love of Siam. Wala raw itong gay undertones kundi ipinapa­kita rito ang tungkol sa friendship. Gusto niyang ipakita sa movie ang misconceptions tungkol sa pelikula.
Say ni Robby, ang ibig sabihin ng Pagari ay friendship sa salitang Muslim.

Promising ang pelikulang ito na panoorin dahil bukod sa guwapo ang da­lawang bida at sobrang close ang role nila, napagdududahan na may relasyon sila kaya sa pamamagitan ng pelikulang ito ay maliliwanagan ang lahat.

Hindi kaya magkaroon ng violent reaction ang mga Muslim sa pelikulang Pagari?

Say ni Robby, inalalayan sila ng cameraman nila at isang photographer na taga-Mindanao. Nag-research din sila tungkol sa kultura ng Muslim at naging maingat dahil baka nga iba ang maipakita nila.

“Pinag-aralan po namin lahat. The other cinematographers come from LA (Los Angeles), they’re originally from Iran. We have imported sound engineers, cameramen, and cinematographers talaga that will help us,” dagdag pa ni Robby.

Hindi kaya magkaroon ng maling implikasyon sa kainitan ng isyu sa Sabah, Malaysia at mga Pilipino na nagsilikas na at bumalik sa ’Pinas?

“Implication with the film, well, I hope it’s gonna be positive kasi ipinakikita namin sa film ‘yung misconceptions at ‘yung brotherhood ng samahan ng Muslims at Catholic. With regards to Sabah and Tawi-Tawi baka magkaroon sila ng peaceful talks, kasi sa ending ng movie, happy ending eh,” pahayag pa ni Robby.

Bukod kina Teejay at Arkin, kasama rin sa pelikula sina Mel Martinez, Bekimon, Via Veloso, Marlon Mance, Mark Anthony Malana, Rose Jordan, Iñigo Cruz, at Fiona Mickenzi.

vuukle comment

ARKIN DEL ROSARIO

BING NELLASCA

FIONA MICKENZI

GOLDMINE ENTERTAINMENT PRODUCTIONS

LOS ANGELES

LOVE OF SIAM

PAGARI

ROBBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with