^

PSN Showbiz

Isabel ‘di pa seryoso kay John!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung kailan naman nakapagdesisyon na si John Prats na gusto na niyang mag-asawa at saka naman urong-sulong ang babaeng gustung-gusto niyang pakasalan na si Isabel Oli. Sa malas, gusto pang manatiling dalaga ng Kapuso actress at nagsabing hindi pa siya nakahandang mag-asawa.

 â€œBagama’t sincere siya sa kanyang layunin sa akin, sigu­ro dapat magkakilanlan muna kami nang husto. Gusto ko na ’yung nakikita kong pagiging sincere niya sa kanyang panliligaw. Napakabait niyang tao at mapagmahal na anak sa kanyang pamilya. I’ve met his family, ipi­nakilala na niya ako sa kanila. Nakita ko rin kung ga­ano sila ka-close. I’m flattered na kino-consider niya akong maging asawa. Nakatataba ng puso na ser­­­yoso siya sa akin. Pero ’yung pag-aasawa siguro ay saka na muna. Pero handa na akong pumasok sa isang ser­yo­­song pakikipagrelasyon sa kanya. Kaya nga hindi na ako nagpapaligaw sa iba. Sa kanya na lang ako nakikipag-date,” pag-amin ng magandang artista na tulad ni John ay galing din sa isang failed relationship.

Be Careful hanggang June ang target

Hindi na naman pala aabot ng katapusan ng taong ito ang pinaka-sinusubaybayang seryeng Be Careful With My Heart. Balitang hanggang June na lamang ito at magwawakas ito sa isang bonggang kasalan sa pagitan nina Sir Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi Sta. Maria). Dito lamang ay matutuwa na ang fans at ngayon pa lamang ay gusto ng malaman kung ang magiging kasalan sa TV ng dalawa ay gagawing ka­sing-rangal ng naging kasalan nina Daniel at Katerina na ginampanan nina Coco Martin at Julia Montes sa Walang Hanggan.

Nauna na ay naisulat kong aabutin hanggang Dis­yembre ang Be Careful… pero sa takbo ng istorya ngayon ay mahihirapan ang mga writer ng nasabing serye na pahabain pa ang kuwento dahil ngayon pa lamang ay nagsisimula na ang courtship nina Sir Chief at Maya.  

Coco naniningil ng mahal sa ibang pulitiko

Napag-uusapan na rin lamang si Coco Martin, marami palang pulitiko ang interesadong kunin siya para ikampanya sila pero kung libre siya kay Sonny Angara ay malaki ang TF na hinihingi nito sa mga ibang kandidato para sa darating na eleksiyon. P35M daw ang asking price niya.

Kaya naman umatras si senatoriable Jack Enrile na kunin ang kanyang serbisyo. Tinanggap na lamang nito ang tulong na iniaalok sa kanya ng kanyang mga kamag-anak na mula rin sa showbiz. Ipagpoprodyus na lamang siya nina Armida Siguion-Reyna, Bibeth Orteza, at Direk Carlitos Siguion-Reyna ng isang political ad. Si Direk Carlitos pala ay kasalukuyang nasa Singapore at nagtuturo ng filmmaking.

Kung may naghahangad ng panalo ng anak ng Senate president sa kanyang pagtakbo sa Senado, kabilang na kaming maraming entertainment writers na hindi pa man nagkakamalay na tatakbo itong senador ngayong eleksiyon ay tinutulungan na naming i-promote ang mga magagandang proyekto niya para sa kanyang probinsiya. 

“Mag-usap tayo para malaman ko kung ano talaga ang problema ng ating local movies. Tulungan n’yo akong mag-draft ng bill at ako na ang magpa-file at mag-i-sponsor nito sa Senado,” pangako ng kongresista na hinihikayat ang mga estudyante na maging tourism ambassador ngayong bakasyon.

Hinihikayat din niya ang mga negosyante sa bansa na makipagtulungan sa mga eskuwelahan para mabigyan ng summer jobs ang maraming mag-aaral para may pangtustos sila sa kanilang pag-aaral sa pasukan. 

 

vuukle comment

ARMIDA SIGUION-REYNA

BE CAREFUL

BE CAREFUL WITH MY HEART

BIBETH ORTEZA

COCO MARTIN

DIREK CARLITOS SIGUION-REYNA

SHY

SIR CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with