^

PSN Showbiz

Jed Madela nakaukit na ang pangalan kasama nina Liza Minnelli at Arnold Schwarzenegger

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa darating na Hulyo ay nakatakda nang pumunta sa Hollywood si Jed Madela dahil napabilang siya sa Hall of Fame ng World Championships of the Performing Arts (WCOPA).

“Na-invite nila ako ulit to grace the 17th World Championships of the Performing Arts. Sa mga hindi nakakaalam, doon ako sumali noong 2005. Doon ako sumali at nanalo,” bungad ni Jed. Matatandaang ang singer ang kauna-unahang nag-grand champion sa WCOPA.

“This year they invited me to receive an award. They’re giving me a Hall of Famer award and ’yung mga binibigyan nila ng award dito ay ‘yung mga tao who made a big impact in the industry where they’re in,” dagdag pa ng singer.

Hindi raw makapaniwala si Jed nang maka­ra­ting sa kanya ang magandang balitang ito.

“Sobrang kinilabutan ako kasi unang, unang pumasok sa isip ko kapag nawala na ako, at least, nakaukit ang pangalan ko diyan, forever na. It will be forever in the book and ‘yun ‘yung una kong naisip,” pagtatapat ng singer.

Si Jed din ang kauna-unahang Pinoy na mapapabilang sa Hall of Fame ng WCOPA.

“I’m not sure if I’m the youngest. I’m the first Filipino na unang contestant ng World Championship na ini-induct nila run. Usually ang ini-induct nila ’yung mga beterano na, ‘yung mga icon na. So, sobra akong honored that they even remembered me, na i-nominate pa lang, ’tapos napili as part of Hall of Fame,” pagtatapos ni Jed. Ilan pang Hollywood icons katulad nina Liza Minnelli, Jennifer Holiday, at Arnold Schwarzenegger ang makakasama ni Jed sa Hall of Fame ng WCOPA.

Sarah umamin, ilang beses nang na-in love at naging sawi

Aminado si Sarah Geronimo na naranasan na niyang umibig at ilang beses na rin siyang nasaktan dahil dito. Marami raw natutunan ang Pop Princess dahil sa kanyang mga naranasan.

“May mga bagay na siguro hindi talaga para sa ‘yo. Noong nag-let go ako, doon ko nalaman kung anong klaseng pagmamahal na meron ako. Ibang level na pagmamahal na meron ako sa puso ko,” nakangiting pahayag ni Sarah.

Handa na kayang muling umibig ang dalaga ngayon?

“Hindi ko naman po masasabi ‘yan. Sabi nga ni Loydie (John Lloyd Cruz), ‘You don’t get to choose love, love chooses you,’” makahulugang sagot ni Sarah.

Samantala, sa March 30 ay palabas na sa mga sinehan ang ikatlong pelikula nila ni John Lloyd na It Takes a Man and a Woman. Ayon sa dalaga, sobrang lalim na ng pagkakaibigan nila ng aktor ngayon mula nang magsama sila sa proyekto noong 2008.

“Sobrang malaking tulong na happy siya. Nada­dala niya sa set. Maganda ang friendship namin. Sob­rang komportable kami sa isa’t isa ngayon. Mala­king naitulong nun,” giit ni Sarah. Reports from JAMES C. CANTOS

                        

vuukle comment

AKO

ARNOLD SCHWARZENEGGER

HALL OF FAME

HALL OF FAMER

IT TAKES

JED MADELA

WORLD CHAMPIONSHIPS OF THE PERFORMING ARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with