Magnum tuloy ang pamamayagpag, mga bagong flavor ipinakilala!
MANILA, Philippines - Ang 2012 ang taon ng Magnum. Sa maiksing panahon ay sobrang kilaÂlang-kilala na ang ice cream brand dahil sa tinatawag na Magnum Marketing. KumaÂlat ang online buzz na umabot sa social media websites kaya naman nag-trending topic ito. Ang Magnum din ang naging No. 1 searched food item sa Google nung isang taon.
Ang ice cream on stick ay pumatok dahil sa lasa nito na mula sa finest Belgian chocolate at sa velvety ice cream na may apat na flavors – classic, almond, chocolate truffle, at choco cappuccino.
Ngayong taon, nadagdagan pa ng dalawang bagong flavors ito sa formal launching sa URBN Bar and Kitchen na ginanap kamakailan. Ipinakilala ang Chocolatier Collection: Magnum Chocolate Brownie at Magnum Chocolate & Strawberry. Ang Chocolate Brownie ay isang creamy brownie flavored ice cream na may makapal at malutong na coat ng Belgian chocolate at sinamahan ng cashew nut pieces.
Ang Chocolate & Strawberry ay may strawberry sauce na nakapalibot sa creamy vanilla ice cream at may Belgian chocolate pa ring nakabalot.
At siyempre dumalo ang Magnum ambassadors na sina Solenn Heussaff, Raymond Gutierrez, Liz Uy, Rajo Laurel, Tessa Prieto-Valdes, at Erwan Heussaff. Kasama na rin ngayon ang latest ambassador at perfect addition, si Georgina Wilson.
Kaya i-expect na ang bigger at better things sa Magnum ngayong 2013. More indulgence, more luxury, more flavors!
- Latest