^

PSN Showbiz

Enzo at Louise nagamit ang break up sa kanilang mga programa!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Magkasamang nagbakasyon sa Bhutan si Dra. Vicki Belo at ang kanyang boyfriend na si Hayden Kho, Jr. Nagpunta sila sa Bhutan noong March 17.

SCENE: Proud at supportive mommy si Precy Ejercito sa kanyang anak na si Julian Estrada na member ng Star Magic Circle 2013. Ipinakilala ang mga member ng Star Magic Circle 2013 sa ASAP noong Linggo at pinakamaagang dumating sa studio si Precy. 

SEEN: Anak ni Dennis Roldan ang  UAAP Women’s Volleyball MVP na si Michelle Gumabao. Mitchell Gumabao ang tunay na pangalan ng aktor na nasangkot noon sa kidnapping case noong 2005 at naging pastor nang makalaya siya mula sa kulungan noong 2006.

SCENE: Pormal na ipinakilala kahapon ng Bb. Pilipinas Charities Inc. sa media ang 50 official candidates ng 2013 Bb. Pilipinas sa Makati Shangri-La Hotel. Nakatakda sa April 14 ang coronation night ng Bb. Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum.

SEEN: Hindi pa sanay sa live TV guesting si Rap Fernandez dahil mahiyain siya. Kitang-kita ang shyness ni Rap nang mag-guest sila ng kanyang kapatid na si Mark Anthony Fernandez sa H.O.T. TV ng GMA 7 noong Linggo.

SCENE: Napapakinabangan nina Enzo Pineda at Louise delos Reyes ang isyu ng kanilang break up sa promo ng mga bagong show nila sa GMA 7.

SEEN: Ang report ng Box Office Mojo sa resulta ng mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong March 6 hanggang March 10. Mahigit sa P64 million ang gross ng A Moment in Time ng Star Cinema na nagbukas sa mga sinehan noong February 13.

A MOMENT

BOX OFFICE MOJO

DENNIS ROLDAN

ENZO PINEDA

HAYDEN KHO

JR. NAGPUNTA

JULIAN ESTRADA

PILIPINAS

STAR MAGIC CIRCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with