^

PSN Showbiz

Aktres na sexy at payat na payat gumagamit pa ng girdle para mas pumayat ang hitsura

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kahit pala sexy at payat na ang isang aktres at TV host na misis ng kilalang actor, gumagamit pa rin ito ng girdle na nagpapa-sexy ng kanyang hitsura.

Actually parang nakakagulat dahil ang ganda ng katawan nito pero mismong ang isang nagbebenta ng nasabing girdle ang nagkuwento ng tungkol sa ginagamit ng actress-TV host.

Well, baka gusto lang talaga niyang magmukhang super, super payat at flat na flat ang tummy kaya nag-susuot siya nang nasabing girdle na ginagamit nga­yon ng maraming artista at maging ng mga pulitiko na gustong maging payat ang hitsura.

Bagong show ni Sharon, kasado na

Memorized ng executive ng isang network ang mga ‘nangyayari’ sa career ni Megastar Sharon Cuneta. Pero definitely hindi taga-TV5 ang nagkukuwento tungkol sa naging problema ni Mega sa Kapatid Network na ngayon ay naayos na at malapit nang mag-umpisa si Mega ng kanyang panibagong programa kapalit nang nawala niyang afternoon talk show.

Handang-handa na si Mega at ayaw na nitong mag-isip ng mga negatibong pangyayari.

Nami-miss na si Sharon ng kanyang fans bilang matagal-tagal na rin siyang nawala sa ere.

Kahit konting pagtingin mapapanood na sa mas maagang oras! 

 Ay, hindi naman pala tuluyang natigok ang Kahit Konting Pagtingin dahil simula ngayong Lunes (Marso 18), 5:30 p.m. na ang bagong timeslot nito na pinagbibidahan nina Angeline Quinto, Paulo Avelino, at Sam Milby. Ipinalit sa timeslot nila ang Little Champ na pinagbibidahan ni Sen. Lito Lapid.

Sa mas pinaagang oras, patuloy na tutukan ang mas nakaaaliw at nakaka­kilig na love triangle nina Aurora (Angeline), Lance (Paulo), at Adam (Sam), lalo na ngayong mas tumitindi na ang kompetisyon sa pagitan ng magkapatid.

Handa na ba si Lance na kalabanin ang kanyang kuya, masungkit lamang ang puso ng babaeng pinakamamahal niya?

Sa pagdating ni Mabel (Bianca Manalo) sa Pilipinas, paano nga ba babaguhin ng tunay na fiancé ni Erik (Ahron Villena) ang mga buhay nina Lance, Adam, Aurora, at ng mga taong malalapit sa kanila? 

 

vuukle comment

AHRON VILLENA

ANGELINE QUINTO

BIANCA MANALO

KAHIT

KAHIT KONTING PAGTINGIN

KAPATID NETWORK

LITO LAPID

LITTLE CHAMP

MEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with