^

PSN Showbiz

Lipatan magaganap na? Lovi tanggal na sa serye nila ni Richard, Sam Pinto ipinalit

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Labanan ng mga impersonators ang mapapanood sa Celebrity Bluff mamayang gabi pagkatapos ng Magpakailanman.

Sina Ate Glow, Ate Shawie, at Pretty Trisza na mag-Mariel Rodriguez ang maglalaban sa kalaha­ting milyong jackpot.

Pero kuwela ang labanan nila lalo na si Pretty Trisza na mag-Mariel dahil tatapatan siya ni Jose Manalo na mag-Robin Padilla naman.

Dagdagan pa ng gangnam guest nilang si Allan K para lituhin sila sa pagsagot sa mga tanong.

PAK: Napapangiti lang si Enzo Pineda at hindi kami sinagot nang tanungin namin kung ang Mommy ba ni Louise delos Reyes ang isang dahilan ng break-up nila.

Sabi kasi ni Enzo na meron daw silang madalas na pinag-aawayan ni Louise na hindi talaga maayos-ayos. Sinundan namin ng tanong kung ang ina ba ito ng young actress, ngumiti lang uli sa amin ang young actor.

Tingin naman daw niya, puwede nilang ma-maintain ni Louise ang friendship dahil may komunikasyon pa rin naman silang dalawa.

Base sa obserbasyon namin, mukhang mas apektado nang husto si Louise sa break-up nila ni Enzo.

Iyak nang iyak ito sa exclusive interview sa kanya ni Butch Francisco na mapapanood sa Startalk ngayong araw.

BOOM: Totoo kayang hindi na si Lovi Poe ang leading lady ni Richard Gutierrez sa bagong drama series nito sa GMA 7 na Love and Lies?

Ang latest na narinig namin ay papalitan na raw ito ni Sam Pinto.

Wala pa kaming kumpirmasyong nakuha sa GMA 7. Pero ‘yun ang narinig naming usap-usapan na hindi pa kami sinagot ng mga taong involved dito.

Wala ring sagot ang kampo ni Lovi kung ano ang latest na kaganapan sa kanyang career.

May lipatan bang mangyayari?

vuukle comment

ALLAN K

ATE SHAWIE

BUTCH FRANCISCO

CELEBRITY BLUFF

ENZO

ENZO PINEDA

JOSE MANALO

LOVE AND LIES

LOVI POE

PRETTY TRISZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with