^

PSN Showbiz

Maraming Pinoy pinuyat ng bagong Pope!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kulang kahapon sa tulog ang mga Pinoy dahil inabangan nila sa TV ang pagpapakilala sa bagong halal na Pope, si Jorge Mario Cardinal Bergoglio ng Argentina na kilala ngayon bilang Pope Francis.

Si Pope Francis ang kauna-unahang Latin Ame­rican pontiff na nahalal na Santo Papa. Nagpuyat ang mga Pinoy dahil, tulad ko, umaasa sila na si Luis Antonio Cardinal Tagle ng Pilipinas ang susunod na Papa dahil maingay na maingay sa Vatican City ang kanyang pangalan. Marami ang nagsabi na malaki ang laban niya sa papacy.

Hindi naman nalungkot ang mga Pinoy dahil bagets pa si Cardinal Tagle. May chance pa siya na maging Papa dahil 55 years old pa lamang siya unlike Pope Francis na 76 years old na.

Ang sabi ng isang reporter, parang beauty contest na sinubaybayan ang paghahalal sa bagong Papa. Si Pope Francis ng Argentina ang winner at runner-up lang si Cardinal Tagle.

Sumbatan nina Mayor Lim at Erap mas matindi pa sa teleserye

Naloka ako nang mapanood ko sa TV noong Miyerkules ang pinag-uusapan na debate nina Manila City Mayor Alfredo Lim at former President Joseph Estrada sa University of the Philippines Manila.

Unang nagharap ang dalawa sa morning show ng ABS-CBN noong Martes. Patikim lang ang talakan nina Mayor Lim at Papa Erap sa Umagang Kay Ganda dahil mas matindi ang tarayan nila sa UP campus noong Miyerkules.

Masahol pa sa isang teleserye na punumpuno ng action ang sumbatan nina Papa Erap at Mayor Lim na talagang rumesbak pagkatapos ng nangyari sa kanilang paghaharap sa Umagang Kay Ganda.

Bahagi lang ng tapatan nila ang napanood ko sa TV. Kung ikinaloka ko ang excerpts, lalo na siguro ang kabuuan ng kanilang mala-teleserye na face-off.

Mabuti na lang at hindi umabot sa pisikal na sakitan ang talakan ng mga kapwa ko senior citizen!

Barrameda family umaasa sa tulong ni P-Noy

Kahapon ang sixth anniversary ng pagpaslang kay Ruby Rose Barrameda kaya isang misa ang idinaos para magkaroon ng hustisya ang pagpatay sa kanya.

Hindi pa natatapos ang kalbaryo ng mga Barrameda dahil binawi ng star witness na si Manuel Montero ang testimonya nito noong 2009.

Ang sabi ni Manuel sa kanyang bagong sworn affidavit, hindi niya kilala ang biyenan ni Ruby Rose at wala siyang nalalaman tungkol sa krimen pero siya ang nagturo sa kinaroroonan ng katawan ni Ruby Rose na isinilid sa isang steel case at itinapon sa karagatan. Ang biyenan ni Ruby Rose ang idiniin ni Manuel na may kinalaman sa nangyari sa kapatid ni Rochelle.

Shocked na shocked ang Barrameda family dahil bumaligtad si Montero, isang araw bago ginunita ang ika-anim na taon ng pagpatay kay Ruby Rose. Umaasa ang Barrameda family na tutulungan sila ni P-Noy para magkaroon ng katarungan ang pagpaslang kay Ruby Rose.

 

BARRAMEDA

CARDINAL TAGLE

DAHIL

MAYOR LIM

PAPA ERAP

PINOY

POPE FRANCIS

RUBY ROSE

SI POPE FRANCIS

UMAGANG KAY GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with