^

PSN Showbiz

Para na ring pari o pastor Ogie Alcasid magkakasal sa pamangkin sa US

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Isang tuwang-tuwang Ogie Alcasid ang nakausap namin sa shooting ng Raketeros na dinayo pa namin sa Lipa, Batangas nung Martes ng hapon, sa imbitasyon ni Jun Lalin.

Masaya ang singer dahil ang pinoproblema nilang makakatulong nila sa pag-aalaga ng kanilang panganay na si Nate sa gagawin nilang dalawang linggong bakasyon sa Amerika ay pinayagan na ng De­partment of Foreign Affairs (DFA) na makasama nila. Nung una ay tinanggap na nina Ogie at Regine Velasquez na silang mag-asawa lamang ang maghahalinhinan sa pag-aalaga kay Nate at pagtitimpla ng gatas nito lalo na sa gabi. “Pero okay na. Binigyan na rin ng visa ang yaya ni Nate at makakasama na namin siya sa biyahe,” masa­yang kuwento ni Ogie.

Ayaw pag-usapan ng singer-comedian ang napi­pintong paglipat niya sa Kapatid Network dahil katuwiran niya ay malayo pa naman bago mag-expire ang kanyang kontrata sa Kapuso. Isa pa, may gagawin siyang bagong programa rito, ang Ready Set Laban! na sponsored ng Nido.

Ayaw din niyang pag-usapan ang pagwi-welcome sa kanya ni Willie Revillame sa show nito. Sapat ng sabihin niya na aware siya sa ginawa nito dahil ipinaalam ito sa kanya ni Willie.

“Cute ’yung ginawa niya. Three years ago natutu­nan ko kung paano i-pacing ang trabaho ko. Enjoy ako sa takbo ng trabaho ko ngayon. Pinipili ko na lamang ang mga gusto kong gawin,” ang tanging nasabi niya.

“Bukod sa gusto naming manood ng mga Broadway show sa Amerika, gusto ko ring manood ng basketball. Pero talagang ang pupuntahan namin dun ay ang kasal ng dalawa kong pamangkin. Sa March 23, best man ako sa isa. At sa ikalawa naman ay ako ang mag-o-officiate. Isang non-sectarian wedding ito na puwedeng gawin ng isang senior member ng family. May nauna nang kasal ang pamangkin ko,” paliwanag ni Ogie na bago umalis ay tatapusin pa ang repeat ng Foursome concert nila nina Regine, Pops Fernandez, at Martin Nievera at ang concert nila nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Sa Raketeros ay isang funeral singer si Ogie.

“Nakadamit ako rito na parang si German Moreno. ’Yung makikintab at maraming rhinestones. Feeling ko kasi parang lagi akong nasa concert.

“Walang namang masyadong kaibahan ang pelikula namin sa mga comedy movie ngayon, maliban na lang sa old school ang ginagamit naming pagpapatawa. Situational at hindi slapstick. Alam kong ’yung mga dating nakapanood na sa amin ang muling manonood ng bago naming movie kaya alam naming na ’yung brand of comedy namin ang gusto nilang makitang muli,” sabi ni Ogie.

Dr. Vicki boto kay Derek para kay Cristalle

Masaya pero ramdam ng lahat ang sinseridad ng namumuno ng JlD Entertainment Management and Imaging Specialist na si Jojie Dingcong sa thanksgiving luncheon na ibinigay niya para sa entertainment press dahil sa matagumpay na takbo ng kanyang kumpanya at sa napakaraming artista na ina­alagaan nila na naging matagumpay, in demand at tumagal ang career. Tulad nina Derek Ramsay, Matteo Guidicelli, Bianca Manalo, Paolo Bal­lesteros, John James Uy, Edward Mendez, Gerard Sison, Alexander Diaz, Raymond Yap, at Cristalle Henares.

Bagama’t may kaliitan ang lugar na kung saan ginanap ang event ng pasasalamat, hindi ito naging hadlang para hindi maging masaya ang event.

Marami ang umuwing may dala-dalang mahahalagang regalo mula sa isang simpleng pa-raffle na pinag-ambag-ambagan ng JlD at ng mga artista nito.

Sa mga artist ng JlD, pumapapel ngayon sina Cristalle at Derek na hinihinalang may itinatagong relasyon dahil palaging nagkikitang magkasama sa mga lakaran ngayon, opisyal man o hindi. Kapag ti­na­tanong naman ang sikat at magandang ina ni Cristalle na si Dr. Vicki Belo ay palagi nitong sinasabing magkaibigan man o hindi ang dalawa ay boto siya sa binata para sa kanyang dalaga.

Paano ba ’yan, Cristalle, Derek?

 

ALEXANDER DIAZ

AMERIKA

AYAW

BIANCA MANALO

CRISTALLE

DEREK

NATE

OGIE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with