^

PSN Showbiz

Flowers ni Piolo binigyang kulay

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

May dapat bang ikahiya si Piolo Pascual na binigyan siya ng pumpon ng bulaklak nang manalo ng isang special award sa Star Awards for Mo­vies? Hindi naman monopolisado ng mga babae ang pagtanggap ng bulaklak, ’di ba? Kaya huwag n’yo na siyang intrigahin pa. Baka akala ng mga nagbigay ay babae ang bibigyan nila. Kaysa masayang ang ipinambili ng bulaklak, kahit lalaki ang nanalo ay ibi­nigay na rin nila.

Huwag n’yo nang bigyan pa ng iba pang dahilan, bukod sa talagang purpose ng pagbibigay. Okay?

Mark pumupuntos pa lang bilang kaibigan kay Gwendolyn

Akala ko pa naman may something going on na between Miss World Gwendolyn Ruais at kay Mark Bautista, ’yun pala hindi pa sila guma-gra­duate sa pagiging friends. Mismong sa beauty queen nangga­ling ang katotohanang ito.

At least, may pag-asa pa si Mark sa kanyang ma­­gandang nililigawan. ’Yung relasyon naman ay nanggagaling muna sa pagkakaibigan. Huwag lang siyang papatay-patay para ‘di siya maunahan ng iba. After all, kung panahon at panahon din lang, may investment na siya sa dalaga. ’Di ba Mark?

Gov. ER nakakatulong sa industriya kahit paisa-isa ang pelikula

Mabuti naman at kahit paisa-isa ay may ginagawa si Gov. ER Ejercito ng pelikula. Malaking tulong din ito sa industriya. Marami siyang nabibigyan ng trabaho at naipapakilala rin ang sarili niya bilang mahusay na artista at prodyuser.

Sa kahirapan nga naman ng buhay, bibihira na ang gumagawa ng pelikula na may mala­king gastos. Sakali man, inirere­serba nila ang pera nila sa Metro Manila Film Festival. Pero si Gov. ER, hindi lang filmfest ang target. ’Yung iprinodyus niya for his son Jericho, ’yung Alyas Ben Tumbling ay slated na for showing. Let’s hope na tulad ng mga ginawa niya for himself ay tangkilikin din ng manonood ang pelikula ng anak niya. Para happy silang lahat.

Jolina kuntento na sa kahit anong ibigay na role

Hindi naman kataka-taka kung gustuhin ni Heart Evangelista na makapareha si Alden Richards. Bukod naman sa talagang guwapo ito ay magaling pa ring artista. At hindi mukhang mas bata kay Heart.

In fairness to Alden, sa bago niyang teleseryeng Mundo Mo’y Akin, pag-aagawan siya nina Lauren Young at Louise delos Reyes. Hindi ko lang maisip kung sa laki niyang ’yun ay paano siya kakan­dungin ng gaganap na nanay niya sa teleserye na si Jolina Magdangal. Yes, mag-nanay sila ni Jolen sa bagong programa. At kung paano napapayag si Jolens na tumanggap ng mother role is another story. Nanay-nanayan ng isang ganap ng lalaki na tulad ni Alden.

Pero no problem kay Jolens. Masaya na siya na gumanap ng kahit anong role. Masaya na siya na ma­patunayan na kaya niyang gumanap ng kahit anong role.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALYAS BEN TUMBLING

HEART EVANGELISTA

HUWAG

JOLENS

JOLINA MAGDANGAL

LAUREN YOUNG

MARK BAUTISTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with