^

PSN Showbiz

Paolo willing makipag-showdown kay BB sa EB; Aktres nagbibigay na ng problema sa trabaho dahil urong-sulong sa paglipat sa ibang network

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Excited sina Jose Manalo at Wally Ba­yola sa gagawin nila kay Ryzza Mae Dizon na isa sa mga special guest nila sa concert nilang The Jose and Wally Concert A Party for Juan and All na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa March 15.

Meron daw silang gagawin kay Ryzza na ikagugulat nito na tiyak na ikatutuwa naman ng mga manonood.

Pero ang hindi nila alam ay kung ano naman ang gagawin ni Vic Sotto sa kanila. Hanggang sa nga­yon ay wala pa silang alam kung ano ang gagawin ni Bossing Vic dahil ibang-iba rin ang gagawin nito kumpara sa participation niya nung unang concert nila.

’Yan ang ilan sa mga aabangan sa nalalapit na concert bukas ng sikat na duo ng Eat Bulaga.

PAK: Isang malutong na halakhak ang sagot ni Paolo Ballesteros sa mga nagsasabing mas maganda siyang ’di hamak kay BB Gandanghari kung kakaririn nito ang magpa-girl.           

Sabi naman ni Paolo, ginagawa lang niya ang magpa-girl kung kailangan sa Eat Bulaga.

Hindi pa niya naisip na gawin ang ginagawa ngayon ni BB.

Meron ding nag-alok sa kanya na mag-stageplay pero wala namang natuloy. Depende naman kasi ’yun sa talent fee kung sakaling pursigido ang producer na kunin siya.

Pero marami ang nag-suggest na mag-showdown sila ni BB sa Eat Bulaga.

Pagandahan at paseksihan ang labanan, kung merong Ms. Gay Universe uli na ginagawa naman nila noon.

“Why not? Kung bigyan nila kami ng ganun. Go!” sagot lang ni Paolo nang nakatsikahan namin sa thanksgiving party ng manager niyang si Jojie Dingcong.

BOOM: Totoo kaya ang narinig naming nagkakaproblema ang production staff ng isang bagong drama series na malapit nang simulan dahil may issue sila sa leading lady nito?

Ang narinig namin, nakikipag-deal ang manager nitong aktres sa kabilang TV network dahil patapos na ang kontrata nito sa kanyang mother studio.

Sisimulan na dapat ang bagong programa pero hindi makapagsi­mula agad at laging naka-cancel ang taping dahil nga sa problema kay aktres na leading lady ng bidang aktor.

Ewan ko lang kung matutuloy dahil sobrang laki raw ng offer ng kalabang TV network kaya parang gusto na yatang sunggaban ng aktres at ng manager nito.

Ang tanong lang, kung itutuloy ni aktres ang pag­lipat, magka-career naman kaya siya roon?

Abangan na lang natin!

 

vuukle comment

BOSSING VIC

EAT BULAGA

JOJIE DINGCONG

JOSE AND WALLY CONCERT A PARTY

JOSE MANALO

JUAN AND ALL

KUNG

MERON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with