Lovi in love na in love kay Ryan Gosling
Nanibago kami nang makausap si Lovi Poe sa last shooting day ng Regal Entertainment, Inc. movie na The Bride and the Lover at tanungin sa tsikang naispatan sila ni Jake Cuenca sa isang hotel na nagdi-dinner, hindi siya nag-deny. Totoo raw ang balita pero hindi na lang matandaan (o hindi na lang sinabi) ng aktres kung kailan nangyari ‘yun.
Kaya lang, kasunod noon ay sinabing single pa rin ang status siya at mas pinili niyang mag-focus sa trabaho.
Ano kaya niya si Jake at si Rocco Nacino? Hindi rin matandaan ni Lovi kung kelan pa siya naging single dahil hindi na niya iniisip.
Hindi rin siya naghihintay ng magiging syota sa ngayon pero dream BF niya ang American actor na si Ryan Gosling.
“I love him! I don’t know why pero grabe siyang magdala ng damit at ang sarap niyang panoorin,†sabi ni Lovi.
Kaya ‘yung kamukha ni Ryan Gosling o kahit ‘yung kagaya nitong pumorma na type si Lovi, magparamdam na kayo at baka kayo na ang right guy na hinihintay ng aktres. Pero ngayon, focused muna sa trabaho ang ala-Vanessa Hudgens na si Lovi.
Sa May 1 na ang showing ng The Bride and the Lover na sexy coÂmedy movie sa direction ni Joel Lamangan. Tsika ni Lovi, marami siyang sexy scenes, “more than kissing scene†raw at nagagawa niya dahil hindi siya nagsi-set ng boundaries when it comes to her work.
Samantala, hindi nag-comment si Lovi sa isyu ng Party Pilipinas sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) dahil sa sexy dance number nila ni Rocco Nacino. Hindi na rin yata sila pinag-attend sa gender-sensitivity seminar na ginawa ng MTRCB sa mga taga-GMA Network.
Kidlat ni Derek extended na naman
May dapat i-celebrate si Derek Ramsay dahil naka-two extension ang Kidlat, ang teleserye ng Archangel Media na napapanood sa TV5. From its original 13-week run, na-extend ito to 13 weeks pa at na-extend uli to 17 weeks kaya matagal-tagal pang lilipad si Kidlat.
Sabi ni Rams David ng Archangel Media, masaya ang bossing nila at ang TV5 dahil sa magandang feedback at maraming commercial load. Maganda rin ang rating nito at patunay pang marami ang nanonood ang 12,800 entries sa Kidlat T-shirts design contest na idea ng TV5.
This week and the next, pumasok na ang karakter ni Paolo Ballesteros bilang si Walter at si Warla. Next week ay papasok na ang karakter ng model na si Valerie Weigmann bilang si Enigma.
Bumilib daw si Direk Mike Tuviera sa dalaga dahil nag-training ng martial arts para sa fight scenes niya at may mga eksenang hindi nagpapa-dobol.
- Latest