^

PSN Showbiz

Phil parang nanalo na rin sa Star Awards

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nag-tweet agad si Phil Younghusband after i-announce ang pananalong best actress ng GF niyang si Angel Locsin sa Star Awards for Movies ng PMPC last Sunday.

Bukod dito, inulit-ulit din ni Phil ang hashtag na #OMPCBestActressAngelLocsin. Ang nakakatuwa pa, pati siya kino-congratulate sa pagkakapanalo ni Angel para sa pelikulang One More Try  nila nina Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban at entry ng Star Cinema sa 2012 MMFF.

Magaling na aktres idinenay ang panunulot sa bf ng singer-actress

Sumagot ang magaling na aktres na nali-link sa isang singer-actress (SA) at rason daw ng break up nina SA at pinakahuli nitong karelasyon. Akala namin nasa Amerika ang magaling na aktres, kaya hindi namin matanong.

Mabuti at nag-text sa amin ang magaling na aktres dahil may ipinang-iimbita, kaya tinanong na namin sa tsikang kumakalat sa showbiz. Ang sabi nito, good friends lang sila ni SA at nagkataong nagkita sila after 12 years, para makapag-catch up, madalas silang lumalabas at nagkikita.

Apparently, nakita silang lumalabas at  doon nagsimula ang tsismis, o baka ayaw pa lang nitong magsalita?

Anyway, matagal na naming kilala ang magaling na aktres at naniniwala kami sa “Hindi kami” sagot nito sa amin.

Coco dinumog ng mga estudyante

Marami ang nagkakagusto sa TVC ng Argentina Corned Beef ni Coco Martin na totoo naman dahil talagang maganda. Ang tsika sa amin, may dalawa pang TVC ang aktor ng mga bago niyang endorsements at dahil bawal pang sabihin, hindi namin mapilit ang kausap namin na sabihin kung anong produkto ito.

Patunay lang ito na isa na si Coco sa mga in-demand na product endorsers dahil pang-ilan na ba itong endorsement niya? Patunay din ito na hot property siya ngayon at saksi kami at ilang press people kung paano siya pinagkaguluhan ng students ng Philippine Normal University (PNU), Technological University of the Philippines (TUP) at Philippines Women’s University (PWU) nang isama siya ni senatoriable Sonny Angara ng ikutin ang three universities.

Doon lang namin nalamang kumakanta pala si Coco at hit sa mga estu­dyante ang kanta niyang Umuwi Ka Na Baby at ang duet nila ni Sonny ng kantang Sa Isang Sulyap Mo. Sa presscon sa PWU, nilinaw ni Coco na wala siyang bayad sa pag-i-endorse kay Sonny at tinutulungan niya ito dahil naniniwala siya sa mga adhikain nito.

Gabby bakasyon ng tatlong linggo

Hindi mapapanood ni Gabby Eigenmann ang pilot ng primetime soap na Mundo Mo’y Akin, kung saan siya kasama sa cast dahil on the same date ang lipad nila ng kanyang pamilya para magbakasyon sa States. Sa Los Angeles at Las Vegas sila pupunta para bisitahin ang grandparents niyang sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Three weeks si Gabby sa States at April 7 na ang balik, maiiwan ang pamilya niya roon, mauuna siyang babalik dahil sa soap. Na-schedule niya ang trip nila ng kanyang pamilya bago pa malamang may bago siyang soap.

Gusto ni Gabby ang role at karakter niya sa Mundo Mo’y Akin bilang si Ziggy Carbonel na ang pamilya ay ayaw sa pangit. Hindi nito alam at ng inang si Victorina Carbonel (Jaclyn Jose) na pangit ang napangasawang si Giselle Carbonel (Angelika dela Cruz) at gumanda lang dahil sa plastic surgery.

Reunion nina Gabby, Angelika at Sunshine Dizon ang seryeng ito dahil sa Ikaw Lang Ang Mamahalin  pa ang last project nila together, although sila ni Sunshine, nagkasama sa All About Eve.

Jane gustong patulan lahat ng trabaho

Isa pa sa member ng Star Circle Magic Circle 2013 si Jane Oineza, 16 years old. Hindi siya new face dahil napapanood na sa shows ng ABS-CBN and in fact, nominated siyang best actress sa New York Festival dahil sa mahusay na pagganap sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Acting, dancing, hosting, singing and playing the guitar ang talents ni Jane na para sa amin, isa sa may pinakamagandang mukha sa young actresses ng ABS-CBN.

Career path ni Bea Alonzo ang gustong sundan ni Jane, gusto rin nitong i-try ang action gaya ng movie ni Angeline Jolie na Salt. Si John Lloyd Cruz ang crush ni Jane dahil sa sense of humor nito. Open siya kahit sino ang ipareha, ang importante may show siya. Tama!

vuukle comment

ALL ABOUT EVE

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELIKA

ANGELINE JOLIE

DAHIL

MUNDO MO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with