^

PSN Showbiz

Fraternity ng mga menor de edad bibistuhin na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng mga balita sa mga insidente ng pagkamatay ng ilang estu­dyante dahil sa hazing sa fraternities, marami pa ring mga kabataan ang nahuhumaling na sumali rito.

Ngayong Lunes (March 11) sa Pinoy True Stories: Bistado, ibibisto at pananagutin ni Julius Babao ang isang fraternity na pawang mga menor de edad ang mga kasapi at nagsasagawa rin ng marahas na initiation rites. 

Sa pag-aakalang mga bagong kaibigan ang mahahanap, kalbaryo pala ang kasasadlakan ng 14 taong gulang na si Nathalie. Sumbong ng dalagita, sampal, paso, at iba pang kalupitan at pang-aabuso ang inabot niya sa kamay ng tinatawag nilang “Supremo,” ang pinuno ng naturang samahan.

Mapapanagot kaya si Supremo sa kanyang mga kabaluktutan?

Tunghayan ang buong kuwento ngayong Lunes sa Pinoy True Stories: Bis­tado, 4:45 p.m. sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

BISTADO

JULIUS BABAO

MAPAPANAGOT

NATHALIE

NGAYONG LUNES

PINOY TRUE STORIES

SUMBONG

TUNGHAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with