^

PSN Showbiz

Kris tutuparin ang panata sa France

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa nalalapit na Mahal na Araw ay gusto ni Kris Aquino na makapagbakasyon sa France kasama ng kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

“Ang tagal ko nang panata na gusto ko nang makapunta sa Our Lady of Lourdes kasi doon ako pinangalan kay St. Bernadette kaya Kristina Bernadette, kaya first time makakapunta. And for the boys, para mag-Paris Disneyland kasi pagkatapos nun live na agad ’yung PGT (Pilipinas Got Talent) so, ito na ’yung huling bakasyon,” nakangiting pahayag ni Kris.

“Wala kaming summer break ngayon dahil tuluy-tuloy kaya inagahan na lang. Holy Week kaya tama makakadasal. Gusto ko sana Holy Land with my sisters pero ang problema ’yung schedule kasi hindi swak at ’yung mga bata naman, ayaw ko naman silang pilitin na pagdasalin nang pagdasalin. At least ito, nahati, meron ’yung enjoy sila, meron ’yung spiritual side ko naman mae-enrich,” dagdag pa ng Queen of All Media.

Samantala, matapos makasungkit ng award mula sa EnPress ang aktres kamakailan para sa programang Kris TV ay muli siyang nanalo sa katatapos pa lamang na USTV Student’s Choice Awards. Masayang-masaya si Kris dahil nakuha niya ang best talk variety show host award para sa nasabing morning show.

“Super touching ito. Ang sarap ng feeling but this really matters a lot because we have such a young population. Natutuwa talaga ako kasi I am still relevant. Pinapanood pa nila ako and natuwa ako sa sinabi na values because you know how to respect other people,” pagtatapos ng aktres.

Judy Ann kabado sa pagbabalik sa teleserye

Malapit nang mapanood ang bagong teleserye ni Judy Ann Santos na Against All Odds. Kasama ng aktres sa nasabing proyekto sina KC Concepcion at Sam Milby. Masaya si Judy Ann dahil nakasama niya ang dalawa sa soap opera sa kauna-unahang pagkakataon.

“Masaya talaga. Blessed ako na lagi akong nakakahanap ng mga katrabahong very comfortable and very professional,” bungad ni Juday.

Kinakabahan daw ang aktres sa kanyang pagbabalik sa pag-arte dahil taong 2010 pa ang kanyang pinakahuling nagawang serye, ang Habang May Buhay.

“Oo naman, may kaba, lalo na ngayon, medyo may tatlong taon din na akong ’di nakita ng tao sa teleserye. Sana ’yung expectations hindi masyadong matindi,” pagtatapat ni Juday.

“Pero sa kabila ng lahat ng ‘yon dahil pinagkatiwalaan ako ng ABS-CBN at ni Sir Deo (Endrinal) ng isang magandang project, ang trabaho ko lang talaga ngayon is kaya kong maitawid itong teleseryeng ito,” giit ng aktres.

Samantala, isang kakaibang pelikula rin ang nakatakdang gawin ni Judy Ann bago magtapos ang taon.

“Surprise na muna. Actually, excited na nga akong sabihin pero ’di ba nga sabi nila huwag mo munang bilangin ang mga sisiw hangga’t ’di pa nagha-hatch? Pero for this year, ito ang pinaka-nakaka-excite na part ng career ko ng 2013. Sana matuloy,” makahulugang pahayag ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

 

vuukle comment

AGAINST ALL ODDS

CHOICE AWARDS

HABANG MAY BUHAY

HOLY LAND

HOLY WEEK

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with