Remulla vs. Maliksi at Revilla vs. Lacson sa kampanyaserye
MANILA, Philippines - Banggaan ng dating magkaibigan, kampihan ng partido at angkan, pati lagay ng puso ng tumatakbong kandidato ay walang kawala sa usapan.
Ganyan mailalaÂraÂwan ang lagay ng pulitika ngayon sa Cavite na hihimayin ni Lynda Jumilla simula ngayong Lunes (March 11) sa TV Patrol sa panibagong KamÂpanyaSerye na taÂÂtaÂlakay sa tapatang JohnÂvic Remulla at Ayong Maliksi para sa pagka-gobernador at laÂÂÂÂbanang Jolo Revilla at Jay Lacson para naman sa pagka-bise goÂbernador.
Parang kailan lang nang masayang nagkaÂkasama si Johnvic at Ayong dahil matalik na magkaibigan sina Ayong at ama ni Johnvic na si Johnny. Dahil sa pulitika kung kaya’t ang dating magkaibigan ngayon ay magkalaban na.
Ano nga ba ang kahihinatnan ng banggaan sa pulitika sa Cavite?
Ang KampanyaÂSerÂye ay bahagi ng ABS-CBN Halalan 2013 na naglalayong maÂÂpalawak ang kaalaman ng mga mamamaÂyan bago bumoto. Isang serye ang bubuksan linggu-linggo sa TV Patrol kung saan bibigyang diin ang kuwento sa liÂkod ng mga pangako at talumpati ng mga pulitikong nanliligaw sa boto ng sambayanan.
Huwag palalampasin ang KampanyaSerye sa ulat ni Lynda Jumilla, simula ngayong Lunes sa TV Patrol na may simulcast sa DZMM TeleRadyo at DZMM RadÂyo Patrol 630. PaÂnoorin ang buong episode nito sa espesyal na Producer’s Cut na maÂpapanood sa ANC tuÂwing Sabado, 2:30 p.m. at tuwing Linggo, 11:00 a.m.
- Latest