^

PSN Showbiz

Singer/actress aamin nang tibo! Pacman tuloy ang pag-aayos kina Lian at Paolo!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PAK: Isang singer/actress na kumpirmadong tibo ang ibubuking ng H.O.T. TV bukas.

Wala pa kaming ideya kung sino ang tinutukoy nila kaya mas mabuting abangan na lang namin. Pero ang isa sa aabangan ng mga tagahanga ni Marian Rivera ay ang sagot ni Alessandra de Rossi tungkol sa sinabi nito sa kanyang Twitter account pagkatapos manalo ni Marian bilang best actress sa nakaraang Golden Screen Awards.

Nagalit kasi ang mga tagahanga ni Marian kay Alex dahil sa ipinoste nito sa kanyang Twitter account.

Ipinagtanggol ni Alex ang kanyang sarili sa isyung ito. 

PAK: Aminado si Sid Lucero na naging problema siya sa nakaraang programa niya sa GMA 7 kaya hindi na nito natapos ang taping.

Pero ngayon ay muli siyang binigyan ng pagkakataon ng GMA 7 na makabawi kaya isinama ito sa action-drama series ni Richard Gutierrez na Love and Lies.

Sabi ni Sid, kailangan niyang mag-behave ngayon dahil malapit na siyang maging ama.

Isang baby girl ang ipinagbubuntis ng kanyang girlfriend na miyembro ng General Luna band na si Bea Lao.

Nagkahiwalay sila noon pero nagkabalikan din pala at ngayon ay limang buwang buntis na nga ang babae.

Seryoso na raw ngayon si Sid sa trabaho para sa kanyang magiging anak. Hindi pa naman nila napapag-usapan ang kasal dahil ang panganganak pa lang muna ang pinaghahandaan nila.

BOOM: Sinilebreyt ni Lian Paz kahapon ang kaarawan ng mga anak nila ni Paolo Contis na si Xonia, three years old, at si Xalene, two.

Dumating si Paolo nung umaga at hindi na ito sumali sa party kinahapunan na ginanap sa Jo­l­libee sa Greenmeadows, Libis, Quezon City.

Ayon kay Lian, mas okay sila ngayon ni Paolo at wala na ang galit na nararamdaman niya para sa dating asawa.

Hindi naman niya isinasara ang posibilidad na pagbabalikan. Pero kay Paolo na raw iyon kung gusto niyang ayusin.

Madalas nga silang kinakausap ni Rep. Manny Pacquiao na ayusin na ang problema at magkabalikan na.

ALEX

BEA LAO

GENERAL LUNA

GOLDEN SCREEN AWARDS

ISANG

LIAN PAZ

LOVE AND LIES

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with