Direktor nagulat sa sobrang laki ng boobs ng actress-TV host, cup D na ngayon, noon flat na flat!
MANILA, Philippines - Sobra pala ang inilaki ng boobs ng isang actress-TV host na may karelasyon din na actor-TV host.
Mismong ang director daw ang nakapuna sa cup D size na boobs ng actress-TV host ngayon.
Nang una raw kasi itong makatrabaho ni direk, walang-wala itong boobs as in flat chested. Pero nang makatrabaho raw ito ni Direk kamakailan lang, hindi ito (director) halos makapaniwala dahil sa sobrang laki ng artistang katrabaho niya.
Hindi umaamin ang actress-TV host na nagpalaki siya ng boobs kaya naÂbaliw daw si Direk.
“Kaya enjoy ang boyfriend niya eh. Hahaha,†comment ng isang nakarinig sa kuwento ng director.
Puson ni Shaina naghuhumiyaw, fans nag-aapela
“Ang laki ng puson ni Shaina (Magdayao) ha,†reklamo ng isang showbiz insider na madalas mapanood si Shaina na sumasayaw.
Ano raw nangyari bakit parang ang taba nga ni Shaina?
Samantalang kung tutuusin regular na nagyo-yoga si Shaina. In fact ang lastest recruit niya sa pagyo-yoga ay sina Bea Alonzo and Angel Locsin.
Two days ago ay magkakasama silang nag-yoga. At madalas itong gawin ni Shaina.
Bukod sa yoga, tumatakbo rin siya – running kasama ang ibang non showbiz friends.
So paanong malaki pa rin ang puson niya?
Direktor ng Must be…Love, bilib sa natural na chemistry nina Kathryn at Daniel
Excited na ang direktor ng launching film nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na si Direk Dado Lumibao sa nalalapit nang pagpapalabas sa March 13 (Wednesday) ng Star Cinema romantic movie na Must Be...Love. Bukod sa first full length film niya ito, proud si Direk Dado na masaksihan ng buong bayan ang naiibang lakas ng chemistry ng love team na una niyang idinirek sa hit primetime TV series ng ABS-CBN na Princess and I.
“Sakto kila Kathryn at Daniel ang kuwento ng Must Be...Love,’ which is about transformation, hindi lang physically kundi maging sa pagkatao,†kuwento ni Direk Dado na inilarawan ang pelikula na punung-puno ng young romance. “Sa ‘Princess and I ang character ni Kathryn medyo kimi at mahiyain pagdating sa love, tapos si Daniel naman may pagkabrusko ng konti. Dito mas nag-loosen up ‘yung characters and at the same time mas nagkaroon sila ng lalim dahil sa mga pinagdaanan nila PatÂchot (Kathryn) at Ivan (Daniel).â€
Ayon pa kay Direk Dado, hindi lang characters nila Kathryn at Daniel ang matutunghayan ng viewers na nag-transform, kundi sila mismo bilang mga aktor. “Nakita ko ‘yung transformation ni Kathryn as an actress. Ngayon, hindi na siya awkward unlike dati na conscious na conscious siya sa hitsura niya,†paliwanag ng direktor. “Deglamorized siya at pinapangit namin sa simula so good thing na nawala ‘yung pagiging conscious ni Kathryn sa hitsura niya.â€
“Sila kasing dalawa kapag pinagdikit mo pa lang nandun na ‘yung natural chemistry. Pareho silang charming, pareho silang kapag tinitingnan mo ay parang hindi sila mga artista na mahirap abutin,†ani Direk Dado. “Ang magic ng tambalan nila ay ‘yung nakaka-relate sa kanila ‘yung audience. Mas minamahal sila ng publiko dahil parang sa pamamagitan nila nare-realize ng viewers na ‘pwede rin akong makahanap ng isang Daniel’ o ‘puwede rin akong maÂging isang Kathryn.â€
Ipalalabas na sa mga sinehan nationwide ang Must Be…Love sa March 13, 2013.
Aljur Abrenica sumabak na sa Indio
Muling ipapakita ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica ang kanyang matikas na katawan at galing sa pag-arte sa pagganap niya sa karakter na Bagandi, isang datu ng maliit na banwa sa Indio.
Ayon sa aktor, sumailalim siya sa mga workshops at phyÂsical trainings para sa kanyang role sa nasabing programa. “Pinaghandaan ko talaga ang role ko sa Indio saka sumailalim rin ako sa workshops dahil kailangang makipagsabayan ako sa mga malalaking artista na bahagi nitong napakalaking programa na Indio†dagdag niya.
Ano kaya ang papel ni Bagandi sa buhay ni Simeon? Isa ba siyang kaibigan o kaaway?
Abangan sa Indio, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.
- Latest