^

PSN Showbiz

Manilyn pinayagan ng GMA na maging ina ni Kathryn!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sina Benjie Paras at Manilyn Reynes ang gaganap na parents ni Kathryn Bernardo sa bago nilang soap ni Daniel Padilla sa ABS-CBN. Si Benjie ay lilipat na after nang matagal na panahong nasa GMA 7 pero si Manilyn, nagpaalam sa mga bossing ng GMA 7 kung puwedeng tanggapin ang offer ng ABS-CBN.

Sabi ni Ms. Marivin Arayata, VP for Entertainment ng GMA Network, pinayagan nila si Manilyn dahil hindi naman soap ang show nito sa Channel 7. Comedy ang Pepito Manaloto at every Sunday lang, samantalang ang soap ay Monday to Friday.

Dingdong gustong magdirek sa Magpakailanman

Maganda ang sagot ni Dingdong Dantes sa tanong kung anong memory niya sa Pahiram ng Sandali na last week na sa papasok na linggo.

“Ang powerhouse cast, super duper power house cast. Nabigyan ako ng chance na makatrabaho ang superstars na sina Christopher de Leon at Lorna Tolentino at makatrabaho ang magagaling na sina Mark Gil at Sandy Andolong,” sagot nito.

Noong kausap namin si Dingdong, hindi pa niya nababasa ang script sa final episode, ang alam niya mababaril siya, buwis-buhay ang karakter niya. Ang alam din niya, hindi sila magkakabalikan ni Cindy (Max Collins) at gusto lang maging ama sa magiging anak nila, malungkot, pero magandang ending para sa kanya.

Tinanong din namin si Dingdong kung kailan uli siya magdidirek? Ang unang sagot ay “matagal pa,” pero binago rin agad.

“Sana sa Magpaka­ilan­man makapagdirek ako. Gusto kong idirek ang Eigenmann brothers na sina Sid Lucero at Ryan at Gabby Eigenmann. Gusto ko ring idirek si Paolo Contis dahil magaling siyang aktor. He’s one of the best,” sabi nito.

DINGDONG DANTES

GABBY EIGENMANN

LORNA TOLENTINO

MANILYN

MARK GIL

MAX COLLINS

MS. MARIVIN ARAYATA

PAOLO CONTIS

PEPITO MANALOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with