^

PSN Showbiz

Palibhasa’y kontrobersiyal Ethel nananaga sa mga TV show!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nag-enjoy si Regine Velasquez sa Triplets na sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, at Tina Paner na special guests niya sa Sarap Diva bukas ng umaga.

Pinagkuwentuhan kung paano nabuo ang kanilang friendship kahit nag-aaway-away ang fans nila nung kapanahunan nila.

PAK: Matapos tuluyang tanggalin si Ethel Booba sa Wowowillie, panay na ang guesting nito ngayon sa mga TV show habang mainit siyang pinag-uusapan.

Pati nga ang mga showbiz talk show na gustong mag-interview sa kanya ay naniningil na siya ng talent fee.

Kapag pinakiusapan mo siya kung puwedeng interbyuhin, naniningil ito ng talent fee mula P30 hanggang P40,000.

Hindi nga naman niya ito kikitain kung wala siyang isyung kagaya ng sa kanila ngayon ni Willie Revillame.

BOOM: Naghubad si BB Gandanghari sa stageplay niyang Halik ng Tarantula at sabi nga niya, ito na raw ang pinakamapangahas na nagawa niya bilang aktor na si BB.

Pati ang partner niya ritong si Jet Alcantara ay naghubad din at nagparaos pa sa entab­lado.                       

Sabi ni BB, dito na sa naturang stageplay niya mapapatunayan ang pagiging aktor at talaga namang kinarir niya nang husto.

Nangako si Mommy Eva Cariño-Padilla at ang ilang pamangkin niyang lalaki na panoorin nila itong Halik ng Tarantula.

Ang pagkakaalam namin, kagabi nanood sina Mommy Eva.

Gusto ngang manood ni Daniel Padilla pero hindi lang siya puwedeng manood at naintindihan naman ito ni BB.

 

vuukle comment

DANIEL PADILLA

ETHEL BOOBA

HALIK

JET ALCANTARA

MANILYN REYNES

MOMMY EVA

MOMMY EVA CARI

NIYA

PATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with