^

PSN Showbiz

Eddie Garcia iniwasang maging tsismoso at pakialamero sa director kaya nagtagal sa industriya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Mahigit anim na dekada na sa industriya si Eddie Garcia at matagal-tagal na rin siyang hindi nakagagawa ng teleserye. Ngayon ay masayang-masaya ang batikang aktor dahil nakasama niya si Coco Martin sa seryeng Juan Dela Cruz. “I’m very excited to work with a very good actor with a lot of following, it’s really a great honor. Personally hindi ko ma­s­yadong kilala si Coco. I see him sa mga awards night but I know he’s a very good actor,” bungad ni Eddie.

Ayon sa aktor ay napanood din niya si Coco sa Walang Hanggan noon at nararamdaman niyang malayo ang mararating nito. “Magtatagal siya sa industriya dahil napakahusay na aktor at marunong makitungo sa mga fans,” dagdag ni Eddie.

Paano nga ba nakatagal sa industriya ang batikang aktor at direktor? “Ako kasi I’ve always considered acting or directing as a job. So you make the most of it, you give a creditable performance para magtagal ka. Para sa akin kasi trabaho lang ito. Bawat role na gagampanan mo, pagbutihin mo because it’s the best recommendation for another offer, kahit gaano kaliit. Every role pinagbubuti ko, whether small role or big role,” sagot ni Eddie.

Mayroon din daw siyang maipapayo para sa mga mas nakababatang aktor para magtagal sa industriya. “Unang payo ko sa kanila, huwag mong bigyan ng sakit ng ulo ang direktor mo at mga kasamahan sa set. Iwasan ang tsismis, pag-aralang mabuti ang script at ‘wag kang makialam sa direktor kung ano’ng gusto niya because he’s the captain of the ship,” giit pa niya.

ASAP iiwas na sa paseksihan!

Naging kontrobersyal ang pagsusuot ni Anne Curtis ng sexy outfit sa isang production number sa ASAP kamakailan. Nakatawag ito ng pansin sa pamunuan ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board. Nauwaan naman daw ni Anne ang panig ng MTRCB chairman na si Atty. Eugenio Villareal hinggil sa isyu. “I guess I just have to avoid wearing stuff like that on TV shows. We all learned our lessons but the good thing is at least I was able to prove that it was a tanga. It’s always good to know that the MTRCB is on their toes. I give them respect if there’s any problem,” nakangiting pahayag ni Anne.

Noong Martes ay isang pulong ang dinaluhan ng pamunuan ng ASAP sa opisina ng MTRCB para maihayag ang kanilang panig tungkol sa isyu. Kasama rin sa nasabing pagpupulong ang TV Production Head ng ABS-CBN na si Direk Lauren Dyogi. “It was just a dialogue. There was no hearing whatsoever. It was her (Anne) way of expressing herself, we recognize that as a network. But if it offended other people, we apologize in behalf of Anne and in behalf of ASAP. But we’re more conscious in future episodes,” pahayag ni Direk Lauren. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                     

ANNE CURTIS

COCO MARTIN

DIREK LAUREN

DIREK LAUREN DYOGI

EDDIE

EUGENIO VILLAREAL

JUAN DELA CRUZ

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with