Reporter na gustong manghingi ng deputy card ang kapal ng mukha, binantaan ang MTRCB na sisiraan!
Ang kapal ng mukha ng reporter na tumawag sa isang board member ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB at nag-demand na bigyan siya ng MTRCB deputy card or else, sisiraan daw niya ang MTRCB, pati si MTRCB Chair Toto Villareal.
Natakot ba ang tao na tinawagan ng abusadong reporter? Hindi no! Dinedma lang niya ang threat ng reporter na very ‘80’s ang drama.
Hindi na yata active sa showbiz ang reporter kaya hindi niya alam na hindi na uso ang mga pananakot.
Wa epek na ang ganyang mga drama dahil mas mahalaga ngayon ang maayos at magandang pakikisama sa kapwa.
Kung naging mapagkumbaba siya at hindi nagtaray, baka naawa pa sa kanya ang tao na tinawagan niya sa cell phone.
Nagmukhang pathetic ang reporter dahil kahit sinabi nito ang kanyang pangalan, hindi pa rin siya kilala ng tao na tinakut-takot niya!
Marian walang inayawang trabaho kaya nai-stress
Natawa si Dingdong Dantes sa dialogue ko nang magkita kami sa farewell presscon ng Pahiram ng Sandali noong Martes.
Napag-usapan kasi namin ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera at ang tambak na trabaho na tinanggap nito na naging dahilan para magkaroon siya ng stress-related na karamdaman.
Sinabi ko kay Dingdong na parang nagmamadali nang magpakasal si Marian kaya tanggap ito nang tanggap ng mga pelikula, pictorial, at kung anik-anik pa.
Ginagawa ni Marian ang Kung Fu Divas, ang pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas. May special participation siya sa first indie movie ni Batangas Governor Vilma Santos at hindi pa tapos ang tapings niya para sa Temptation of Wife dahil next month pa ito magwawakas.
No wonder, parang nagtataka na rin si Dingdong sa sobrang sipag ng kanyang dyowa.
Ang feeling ni Dingdong, fully-booked na ang schedule ni Marian sa 2013.
Mundo ni LT umiikot kay Tori
Open si Lorna Tolentino sa idea na gagawa siya ng indie movie pero depende sa project.
Kung sakaling tatanggap siya ng indie movie project, gusto ni Lorna na magandang-maganda ang kuwento at ibinigay niya na example ang Bwakaw na pinagbidahan ni Eddie Garcia at Ang Babae sa Septic Tank ni Eugene Domingo.
Patapos na ang Pahiram ng Sandali kaya may time na si LT para sa sarili at sa kanyang apo na si Tori.
Umiikot ang mundo ni LT kay Tori na lalong nagiging kamukha niya habang lumalaki.
EnPress hindi pa kumbinsido sa sorry ni Paulo
Poker-faced ang EnPress chairman na si Jun Nardo kapag tinatanong tungkol sa isyu na babawiin nila ang best supporting actor award ni Paulo Avelino dahil sa dialogue nito nang mag-present ng award sa Golden Screen Awards for Television na ginanap sa Teatrino, Greenhills noong nakaraang Biyernes.
I’m sure, pag-uusapang mabuti ng mga miyembro ng EnPress ang kontrobersiyal na isyu bago sila gumawa ng desisyon.
Nag-sorry na si Paulo sa pamamagitan ng statement na inilabas ng kanyang manager na si Leo Dominguez.
Hindi pa malinaw kung tinanggap na ng EnPress ang apology na natanggap ni Jun mula sa isang columnist na nag-forward sa kanya ng text message ni Leo.
Ang sabi naman ng isang EnPress member, pumayag agad si Paulo nang mahilingan ito na mag-present ng award kaya posibleng nagbibiro lamang ang aktor nang mag-dialogue ito na mahirap pala na magtrabaho kapag napilitan lang.
Nagkita kahapon sina Leo at Jun sa presscon ng repeat ng Foursome concert sa Ryu, ang Japanese restaurant na pag-aari ni Ogie Alcasid.
Ang sabi ng mga eyewitness, parang hindi nakita nina Jun at Leo ang isa’t isa.
Si Jun pa?
Martin maligayang pumayat na
Sa March 16 ang repeat ng Foursome, ang concert nina Martin Nievera, Pops Fernandez, Regine Velasquez, at Ogie sa The Arena.
Wala nang puwedeng magsabi na mataba si Martin dahil malaki ang ipinayat niya.
Knowing Martin, maligayang-maligaya siya dahil napansin ng press ang unwanted pounds na nawala sa kanya.
- Latest