Kita sa commercial sa TV host lang napupunta TV 5 wala pa ring kita sa show ni Willie Revillame
MANILA, Philippines - Hindi pa rin pala kumikita ang TV5 sa programa ni Willie Revillame na WowoWillie.
Banggit ng isang insider ng TV5, kung meron man daw commercial ang nasabing programa hindi sa bulsa ng Kapatid Network napupunta kundi sa mismong producer na si Revillame nga.
Kaya nga raw hindi pa rin kuntento ang TV5 sa nangyayari dahil ang gusto nga nila ay kumita ito ng malaki para nga maÂkabawi sila sa naunang lugi.
Samantala, imbes na makuha ang simpatya ng tao, parang nag-boomerang kay Revillame ang ginawa niyang panunumbat at pagkastigo kina Ethel Booba at Ate Gay sa ere.
Dapat daw ay nagpapaka-humble ang TV host dahil nanggaling din naman siya sa wala. At ganito rin naman daw ginawa niya sa ABS-CBN noon na nagbigay sa kanya ng maraming kayamanan, pero anong iginanti niya hindi lang niya sinigaw-sigawan sinira-siraan pa.
“Sana naalala niya ang ginawa niya noon bago siya nagsalita ng mga panunumbat kila Ethel,†sabi ng isang insider ng TV5.
Meaning hindi rin pabor ang mga taga-TV5 sa ginawa ng TV host? “Hindi. ‘Yun lang mga ‘alipin’ niya ang natutuwa, pero karamihan hindi,†dagdag ng insider.
Mariel sumunod sa ginawa ni Robin
Pati pala si Mariel Rodriguez ay nakasuporta na sa grupo ni Sultan Jamalul Kiram III. Kahapon ay nag-post siya ng photo sa Instagram kasama ang nasabing Sultan.
Nauna nang sumuporta ang kanyang asawang si Robin Padilla na nagplano pang pumunta ng Malaysia at suportahan ang mga taga-suporta ng nasabing Sultan.
Magkarelasyong nagbakasyon sa abroad, hindi na nag-usap pagbalik ng ‘Pinas
Grabe pala ang nangyari sa isang magkarelasyon na kamakailan lang naghiwalay.
Basta wala raw rason, bigla na lang silang naghiwalay pagkatapos nilang magbakasyon sa abroad.
Ayon sa source, kahit ang mga malalapit sa kanila ay nagulat na lang na pareho na nilang ayaw kausapin ang isa’t isa.
May isang tao na gusto raw sanang ayusin sila pero wala raw talaga. Parehong ayaw na nilang mag-usap.
Ang suspetsa ng source, baka nagkasawaan na sila nang magbakasyon at nagka-diskubrehan na hindi silang magsama ng matagal.
Hanggang ngayon daw ay hindi nag-uusap ang dalawa.
Alden isiniwalat na ang mga pinagdaanan
Bubuksan sa Magpakailanman ang kuwento ng buhay ng GMA’s Drama Prince na si Alden Richards na siya mismo ang gaganap. Makakasama niya sina Jackielou Blanco at Mark Gil.
Isa si Alden sa pinakamainit na actor ng GMA7 sa kasalukuyan.
Ngunit sa likod ng kanyang bawat ngiti, ano ang kuwentong nakukubli?
Alam na nang nakararami na bago makasama sa cast ng Alakdana ay ilang beses ring nabigo si Alden sa kanyang pag-aartista. Ngunit ano nga ba ang nagtulak sa binata na magpursige sa industriya kahit na paulit-ulit siya nitong tinanggihan?
Mula pagkabata, nakita na ni Rosario FaulkerÂson na ina ni Alden na may kinabukasan ang anak sa mundo ng showbiz. Kaya sa murang edad pa lamang ay minumulat na ng ina ang anak sa mundong ito. Dinadala ang anak sa malls para, gaya ng mga iniidolo nilang mga artista, ay ma-discover rin ang batang Richard Faulkerson, Jr—na mas kilala na natin ngayon bilang Alden.
Sa pagtanda ni Alden, makikita na rin nito na bukod sa pag-aartista ay gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral—bagay na ikinatutuwa ng kanyang ama. Para kasi kay Richard Faulkerson, Sr., mas may kinabukasan ang anak kung magtapos ito ng kolehiyo.
Magbabago lang ang takbo ng isip ni Alden nang isang araw ay isugod ang ina niya sa ospital. Malalaman ng pamilya ni Alden na may malalang sakit si Rosario, na lubos nilang aalalahanin. Hihimukin ni Alden ang ina na magpaÂkatatag at lumaban, na kaya pa nitong mabuhay. Sasabihin naman ng ina niya na gagawin niya ‘yun kung maibibigay ni Alden ang tangi niyang hiling—ang makita ang anak na isang ganap na artista. Ipapangako ito ni Alden sa ina.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay magiging mailap kay Alden ang paÂngarap ng ina, at habang tumatagal ay humihina rin si Rosario. Unti-unti nang nauubos ang nalalabing buhay ni Rosario kapiling ang kanyang pamilya.
Mula sa direksyon ni Gina Alajar, sundan ang kuwento ng buhay ni Alden Richards ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.
- Latest