^

PSN Showbiz

Alfred nanghihingi ng dasal para sa kanyang nanay na may kanser!

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanghihingi ng dasal si Alfred Vargas para sa kanyang inang 66 years old na may cancer sa uterus, stage 3. Sixty six years old na ang kanyang ina na isang abogada.

Pero kuwento ni Alfred, para naman itong walang sakit kung kumilos, parang normal lang. Kasalukuyan daw itong kini-chemo at nakikita naman nila ang magandang epekto nito.

Hindi nila inililihim ang sakit dahil gusto niyang mas marami pang magdasal para sa kanyang ina.

Anyway, marami palang naipon si Alfred noong panahong aktibo siya sa showbiz.

Meron siya ngayong franchised ng Elorde Boxing Gym, tatlo, meron siyang nabiling farm sa Bulacan at isa pang farm sa Batangas.

At ngayon ay nagpa-plano sila ng asawa niyang si Yasmine na mag-franchise ng Flawless. “Pero kay Yasmine ‘yun, siya ang magma-manage,” diin ni Alfred nang makausap namin kahapon.

Simple lang kasi ang misis ni Alfred. Ayaw nitong masyadong makigulo sa showbiz at pulitika although may mga pagkakataong nagiging representative niya ito sa ilang mga imbitasyon lalo na nga ngayong malapit na ang eleksiyon kung saan kumakandidato si Alfred bilang congressman sa fifth district ng Quezon City.

“Parang mas malakas pa nga ang dating ni Yasmine,” natatawang kuwento ng actor. Kamukha raw kasi talaga ni Marian Rivera ang kanyang wifey ayon kay ‘Nay Lolit Solis kaya ang lakas ng dating sa mga tao.

At maganda pala ang love story nilang mag-asawa. Five years ago nang makilala niya si Yasmine nang mag-show siya sa Laguna. Nakilala niya ito at nang dalawin sa bahay nakita niyang may poster niya ang Fil-Italian girl na nagbabakasyon lang sa bansa. “Nang makilala ko siya hindi ko na pinakawalan, the following day nagpunta na agad ako sa  Laguna,” pagkukuwento ni Alfred na nagsilbi nang councilor sa QC.

Pero ilang buwan din daw nagpakipot ang napangasawa niya bago naging sila. Nga­yon dalawa na ang anak nila.

Samantala, walang maalala si Alfred na puwedeng ibato sa kanya ng mga kalaban ngayong malapit nang mag-umpisa ang kampanya.

Hindi siya nag-aalala na nagpa-sexy siya noon at gumawa pa ng coffee table na sexy ang konsepto. “Kung hindi ko ginawa ‘yun noon malamang iba ang direksiyon ng career ko ngayon,” sabi ng actor na kapartido nina QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.

Nakatapos ng kolehiyo sa Ateneo si Alfred nag-aral uli ng public administration sa University of the Philippines though hindi pa niya natatapos.

ALFRED

ALFRED VARGAS

ELORDE BOXING GYM

MARIAN RIVERA

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NANG

NAY LOLIT SOLIS

PERO

YASMINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with