^

PSN Showbiz

Stand-off sa Sabah iimbestigahan sa Reporter’s Notebook

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong gabi sa Reporter’s Notebook, personal na nagtungo si Maki Pulido sa Sabah, Malaysia upang alamin ang mga kaganapan doon patungkol sa hidwaang nagsimula nang magtungo ang ilang miyembro ng Royal Army ng Sultanate of Sulu sa Lahad Datu, Sabah, Malaysia. Ito ay upang iparating sa pamahalaan ng Malaysia ang kanilang kahilingang kilalanin ang kanilang karapatan bilang tunay na may-ari ng Sabah. Ano nga ba ang kahihinatnan ng standoff sa Sabah?

Iuulat naman ni Jiggy Manicad ang lagay ng mga kabataang nakilala ng Reporter’s Notebook na sa murang edad, batak na sa paghahanap-buhay—apoy ang kanilang nagsisilbing laruan, makuha lang ang tansong kanilang maibebenta. Isang lumang kalakaran na patuloy na bumibiktima sa kanila.

Sa tala ng National Statistics Office, umabot na sa tatlong milyon ang kaso ng child labor sa bansa. Ang nakababahala, ayon sa 2012 Maplecroft Child Labor Index, kabilang ang Pilipinas sa mga bansang itinuturing na may “extreme risk” o mapanganib na kaso ng child labor sa buong mundo. Tatlo sa bawat limang batang nasasadlak sa child labor, hazardous o mapanganib ang uri ng trabaho. Sa kabila ng mga batas na pumoprotekta sa mga kabataan, bakit hindi pa rin nasosolusyunan ang problema ng child labor sa bansa?

Huwag palalampasin ang Reporter’s Notebook ngayong gabi, pagkatapos ng Saksi, sa GMA 7.

 

ANO

JIGGY MANICAD

LAHAD DATU

MAKI PULIDO

MAPLECROFT CHILD LABOR INDEX

NATIONAL STATISTICS OFFICE

ROYAL ARMY

SABAH

SULTANATE OF SULU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with