^

PSN Showbiz

Gong Yoo ng Coffee Prince muling mapapanood sa Big

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsimula na kahapon, Lunes (Marso 4), na mapanood si Gong Yoo bilang Arthur sa Korean version ng Coffee Prince sa isa na namang panibagong Koreanovela na siguradong magpapakilig sa mga Kapuso viewer, ang Big.

Ang Big ay isang romantic-comedy tungkol kay Darius (Shin Won-Ho), isang problemadong 18-year-old, na nalipat sa katawan ng isang trenta anyos na doktor na si Eugene (Gong Yoo). Higit na magiging kumplikado ang lahat pagdating nina Dian (Lee Min-Jung) at Marie (Bae Suzy).

Si Dian ay isang short-term teacher na nakatakdang ikasal sa guwapo, mata­lino, at mayaman na si Eugene. Isang buwan na lang sana bago ang kasal at fairytale-come-true na ang lahat para kay Dian nang biglang nanlamig si Euge­ne sa kanilang relasyon. Sakto naman ang pagdating ni Darius, isang transfer student, dahil siya ang magiging karamay at magdadala kay Dian sa isang lake.

Pupuntahan ni Eugene si Dian samantalang paalis naman si Darius. Magkakasalubong lang sana ang dalawa nang biglang may nangyaring aksidente. Pipilitin ng dalawa na iwasan ang aksidente ngunit huli na ang lahat at pareho silang mahuhulog sa tubig. Habang nasa ospital, magugulo ang lahat nang malaman ni Dian na ang isip ni Darius ay napunta sa katawan ng kanyang fiancé na si Eugene .

Anong gulo kaya ang naghihintay kapag nalaman ito ng kanilang mga pamil­ya? Mapigilan kaya ni Dian ang sarili na ma-in love sa isang lalaking 18 years old lang na nasa katawan ng isang 30 years old na?

Patutunayan ng Big na pagdating sa pag-ibig ay age doesn’t matter simula Lunes bago mag-Smile Dong Hae sa Afternoon Prime Block ng GMA.

 

vuukle comment

AFTERNOON PRIME BLOCK

ANG BIG

BAE SUZY

COFFEE PRINCE

DARIUS

DIAN

GONG YOO

ISANG

LEE MIN-JUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with