^

PSN Showbiz

AiAi patung-patong ang insecurities, nagatungan ng mga nasa paligid kaya muntik nang makipaghiwalay kay Jed

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay nagkahiwalay sina AiAi delas Alas at ang kasintahang niyang si Jed Salang dahil sa isang matinding tampuhan.

Nagpunta raw ang Comedy Queen sa Amerika nang magkatampuhan sila at para makapag-isip-isip. Agad din namang sinuyo siya ni Jed kaya nag­kabalikan din sila.

“’Yung insecurities ko nagkapatung-patong. ’Yung tampuhan namin nagkapatung-patong. Noong pumunta ako sa Amerika, doon ko na-rea­lize na siguro bigyan ko ang sarili ko ng chance na umibig ulit,” seryosong pahayag ni AiAi.

Maraming mga bagay-bagay ang pinag-isipang mabuti ng aktres tungkol sa relasyon nila ni Jed. Mahirap daw kasi para kay AiAi na muling madapa pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

“Lalo kapag maraming gumagatong sa paligid natin. So, tayo isip nang isip. Of course ’yung pinagdaanan ko pang-malakasan na masasakit, so, medyo na-trauma ako sa lalaki,” paliwanag ni AiAi.

Nilinaw din ng aktres na hindi siya battered girlfriend katulad nang napabalita kamakailan.

“Hindi naman totoo ’yon. Kung bubugbugin ako ni Jed, nasa ospital na ako ngayon. Ang laki niya, 6’ 2” siya. Kita naman, ang liit-liit ko. Kapag nanggigigil ako, harot-harot, nagkakasakitan, pero harutan lang ’yon. Sana ’wag nating i-judge muna siya o ako. Minsan may mga bagay sa isang relasyon, ’di naman perfect,” dagdag ni AiAi.

Isang pangako rin ang binitawan ng aktres upang magtagal ang kanilang relasyon ni Jed.

“Ang ipa-promise ko lang po, tatrabahuhin namin na maging maganda, na maging maayos, na maging forever ang relasyon namin,” giit ng Comedy Concert Queen.

BB kakausapin lang ni Binoe kung babalikan ang pagiging Rustom

Nabanggit ni Mommy Eva Cariño sa kanyang panayam sa The Buzz noong Linggo na kakausapin  ng anak niyang si Robin Padilla ang kapatid na si BB Gandanghari kung babalik ang pagkatao ng huli bilang si Rustom Padilla. Hindi raw naging madali sa kanilang buong pamilya na tanggapin ang bagong pagkatao ni Rustom.

Nagbigay naman kaagad ng reaksiyon si BB tungkol dito: “As much as madaling pagbigyan na sasabihin na kung kakausapin ako, si Rustom ako, kasi hindi na nga ako si Rustom. So, would I pretend again?”

Masakit daw para sa kanya ang hindi pagtanggap sa kanya ng kapwa lalo na ng kanyang sariling pamilya. “Parang sinasaksak nang paulit-ulit. You have to understand, otherwise it will be very devastating,” dagdag ni BB.

Nauunawaan din niya kung bakit hindi siya matanggap ng ilang miyembro ng kanilang pamilya. Umaasa si BB na darating din ang tamang panahon na magkakausap-usap sila ng kanyang buong pamilya.

“These things you don’t just say let’s sit down and talk. Dapat may readiness and willingness and I don’t think at this very point neither of us is willing and ready to face each other,” sabi niya.

Pagdating naman sa usaping sex change ay aminado si BB na hindi pa talaga siya nakakapagdesisyon hanggang ngayon.

“In other words, I’m taking my time. Pinag-iisipan ko talaga. I don’t want to cross my body. I want to maintain respect as far as my body is concerned,” pagtatapos ni BB. Reports from JAMES C. CANTOS                                          

 

vuukle comment

AKO

AMERIKA

COMEDY CONCERT QUEEN

COMEDY QUEEN

JED SALANG

MOMMY EVA CARI

RUSTOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with