^

PSN Showbiz

Marian wala nang dapat patunayan

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

O, wala nang dapat patunayan pa si Marian Rivera huh? Kinilala na ng Entertainment Press Society (Enpress) ang kanyang husay sa pag-arte. Ngayon, makakapag-concentrate na siya sa pagtanggap ng magaganda pang role at pagprodyus ng magaganda pang pelikula.

Biiruin n’yo, ngayon ko lang nalaman na first acting award niya ’yung tinanggap niya. Sa tagal niyang nag-aartista akala ko noon pa na-recognize ang kagalingan niya, hindi pa pala. Huli man daw at magaling, ayun na. Binabati ko siya.

‘Naintindihan ko na’

First reaction ko lang ’yung pagtatampo sa aking mother network dahil hindi ako pinayagang mag-guest sa isang programa ng kalabang istasyon.

Ngayon, nalinawan na ako na karapatan nila ’yun dahil bukod nga naman sa Kapuso ako ay consultant pa rin ako ng GMA, nakakahiya nga naman. Iba ’yung kapag sila ang naggi-guest sa aking show pero ibang bagay din ’yung kung ako ang lalabas sa ibang istasyon.

Lexi ‘ikinahihiya’ na naging sila ni Jake

Ito namang si Lexi Fernandez, bakit ba hindi maaming naging sila ni Jake Vargas? Eh kung totoo namang naging sila, ano naman ang masama run? Magagalit pa si Maritoni, eh ang pakikipag-MU-han ay bahagi ng buhay ng mga kabataan. Kailangan lang ay magabayan ang mga bata.

Feeling kasi ni Jake parang ikinahihiya ni Lexi ang bahagi na ’yun ng kanilang buhay at naiinsulto ito.

Huwag naman sana umabot sa pagkakainisan ang nararamdaman nila. Bata pa sila, they can be friends. Why choose to be enemies? Maliit lamang ang mundo ng showbiz. Hindi nila maiiwasang magkita o magkasalubong parati. Kaya maging friends na lang sila.

vuukle comment

BATA

BIIRUIN

BINABATI

ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY

JAKE VARGAS

LEXI

LEXI FERNANDEZ

MARIAN RIVERA

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with