Aktor naging matagumpay sa kanyang panunuyo, misis na aktres bumigay uli!
How true na magkasundo na uli ang showbiz couple na nagkaroon ng problema sa kanilang pagsasama?
Ang tsismis, nagtagumpay sa panunuyo ang aktor sa kanyang misis kaya all’s well that ends well.
So, tama ang desisyon ng kanilang mga kaibigan na huwag seryosohin ang away ng mag-dyowa. Mahirap talaga na makialam sa away ng mga mag-asawa. Saka na lang seryosohin ang kanilang paghihiwalay kung nag-file na sila ng annulment.
Aljur ayaw magkuwento nang gagawin niyang paggiling sa gay bar
Ayaw munang magkuwento ni Aljur Abrenica tungkol sa episode ng Magpakailanman na pagbibidahan niya, ang life story ng indie actor na si KristofÂÂfer King.
Afraid si Aljur na baka ma-preempt niya ang pro-ject kapag nagkuwento siya.
So, ako na lang ang mag-share ng mga nalalaman ko.
Nainterbyu na si Kristoffer ng scriptwriter ng Magpakailanman para sa research na kailangan.
Si Maryo J. delos Reyes ang direktor ng The Kristoffer King Story. Tatapusin muna ni Maryo J. ang taping ng Pahiram ng Sandali na magwawakas sa March 15 bago niya simulan ang taping ng Magpakailanman.
Naging macho dancer sa isang gay bar si Kristoffer bago nagbida sa Ang Babae sa Breakwater.
Malamang na mag-macho dancing si Aljur sa eksena ng Magpakailanman para maging credible siya bilang Kristoffer at ito ang inaabangan ng mga kababaihan at mga vaklush.
Punumpuno ng drama ang buhay ni Kristoffer at kapag napanood sa Magpakailanman ang kuwento ng kanyang buhay, tiyak na maiintindihan siya ng mga mahilig manghusga ng kapwa.
May anak na lalaki si Kristoffer na ipinapagamot niya.
Na-feature noon sa H.O.T. TV ang karamdaman ng bata at dahil menor de edad ay hindi ipinakita sa TV ang kanyang mukha.
Ang anak na may sakit ang dahilan kaya tinatanggap ng aktor ang lahat ng klase ng raket.
Huling napanood si Kristoffer bilang pulis sa Alfredo S. Lim, The Untold Story.
Hindi siya sumipot sa presscon ng pelikula. Pagkakataon na sana ni Kristoffer na matanong ng entertainment press na malaman ang mga pinagdaraanan niya.
The Fighting Chefs walang mangangahas na mamirata
Tonight ang celebrity premiere ng The Fighting Chefs na ipalalabas sa mga sinehan sa March 6.
Walang mangangahas na i-pirate ang pelikula ni Ronnie Ricketts. Takot na lang nila kay Ronnie na fighting chairman ng Optical Media Board (OMB).
Si Ronnie ang bida, direktor, at producer ng The Fighting Chefs. Co-producer niya ang Viva Films na distributor din ng kanyang pelikula.
May malaking market ang The Fighting Chefs dahil mahilig magluto ang mga Pilipino. Puwede ring i-release sa mga sinehan sa ibang bansa ang pelikula ni Ronnie dahil may crowd ang ganoong klase ng project. Hit din sa mga pagkain at pagluluto ang ibang mga lahi.
Lorna magbabakasyon para makapag-recharge
Magbabakasyon si Lorna Tolentino sa ibang bansa pagkatapos ng Pahiram ng Sandali.
Well-deserved ni Lorna ang bakasyon para makapag-recharge siya. Hindi biro ang energy na inubos niya sa kanyang mga dramatic scene sa Pahiram ng Sandali.
- Latest