JV Ejercito laking kalye, never nagka-interes sa showbiz
MANILA, Philippines - Kung ginusto lang ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate San Juan Rep. JV Ejercito Estrada na mag-artista, madali siyang makakapasok sa showbiz at bumida sa maraming pelikula.
Ito ay dahil sa kanyang pinagmulang pamilya. Ama niya si dating Pangulong Joseph Estrada habang ang ina niya ay si San Juan City Mayor Guia Gomez na isang kilalang aktres noong 1960s.
Baka nga nakasama pa ni JV ang child star noon na si Niño Muhlach kung pumasok lang siya sa showbiz.
“Noon ko pa gustong maging negosyante. Kaya nga ako ipinasok sa Xavier School na kung saan ang mga anak ng mga business tycoon undergo early business training. After college, I went into business dahil doon ako nakalinya,†sabi pa ni Ejercito Estrada.
Bago niya pinasok ang pulitika, marami nang naitayong nagtagumpay na negosyo si JV. “I was into construction at mayroon din akong mga fast-food restaurants.â€
Ang kahusayan niya sa negosyo ay napakinabangan ng San Juan City na tatlong beses niyang pinanungkulan bilang alkalde.
Pero hindi kampante at hindi lumalaki ang ulo ni JV sa kabila ng marami niyang tagumpay dahil alam niyang marami pang kailangang gawin para maiaÂngat ang kalagayan ng kapwa niya mga Pilipino. Nagkaroon siya ng simpatya sa mahihirap mula noong maliit siya at hanggang paglaki. Maaaring nakakariwasa ang kanyang mga magulang pero nakikihalubilo siya sa mga ordinaryong tao at nakiÂkipaglaro sa ibang ordinaryong bata ng mga “tumbang preso,†“patintero,†at “taguan pung†sa mga kalye.
“Ang hindi alam ng marami, lumaki rin ako sa kalye. Sa edad na limang taong gulang, hinahayaan lang ako ng nanay ko na makipaglaro sa mga kapitbahay naming bata kaya kahit na nagmula ako sa magandang pamilya natutunan ko ang buhay sa kalye and that keeps me grounded until now,†sabi pa ni Ejercito Estrada.
- Latest