^

PSN Showbiz

Daniel at Kathryn mag-MU na!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Meron na raw mutual understanding sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pero wala pa sa mas malalim na relasyon ang kanilang pagkakagusto sa isa’t isa kahit gusto ng fans na silang dalawa ang magkatuluyan.

“Marami pa kasi kaming gagawin ni Kathryn kaya hindi namin puwedeng ilagay ang sarili sa ibang tao,” sey ni Daniel sa presscon ng launching movie nila as love team, ang Must Be Love.

Nanliligaw ba siya ngayon kay Kathryn?

 â€œSa ngayon, MU (mutual understanding) kami ngayon!” sagot ni Daniel.

 â€œKagaya nang sinabi ni DJ, mas maganda ‘yung hindi muna natin madadaliin. Nagkakaintindihan kaming dalawa. ‘Yun ang importante.

“Alam namin kung ano ang priorities namin ngayon kasi ang dami pong kailangang gawin. Ang daming kailangang ipunin. Sa gusto namin in the future. Siguro, darating din  iyan. Tumatanda na rin naman tayo! Ha! Ha! Ha!” tugon naman ni Kathryn.

Pero nagdi-date na ba sila?

 â€œSiguro considered date na po ‘yung nanonood ng movie. Kasama naman si Mama po. Nagmu-mall! ‘Yun siguro date na ‘yon,’ saad ng young actress.

May aaminin ba sila within the year?

 â€œHindi natin alam eh. Kasi wala naman ang desisyon sa amin ngayon eh. Try naming bilisan! Ha! Ha! Ha!’ biro ng young actor.

Buti naman at walang nababalita na may nililigawan siyang ibang babae, huh!

 â€œNagbago na kasi kaming mga Padilla eh. Kita mo, kelan lang, ginawa ni Tito Robin, ‘di ba? Ako naman, ganito, si erpats, ganyan! Nagbago na ang mga Padilla.

 â€œTapos na’yung issue na mga babaero, Hindi ‘yan totoo!” katuwiran ni Daniel.

 

 

DANIEL PADILLA

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

MUST BE LOVE

NAGBAGO

PADILLA

PERO

SIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with