^

PSN Showbiz

Miriam, Shamcey, at Janine may mga carbon copy sa Binibining Pilipinas 2013; Nora binaril na sa kanyang serye

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Sweet si Ricardo Cepeda at ang kanyang girlfriend na si Marina Benipayo habang nakapila sa cashier ng ABS-CBN at naniningil ng kanilang mga talent fee. Si Ricardo ang ex-husband ni Snooky Serna.

SCENE: Si Aljur Abrenica ang gaganap na Kristoffer King sa life story nito na isasadula sa telebisyon ng Magpakailanman. Si Maryo J. delos Reyes ang direktor ng episode.

SEEN: Masalimuot at puno ng drama ang buhay ni Kristoffer King na nagtrabaho bilang macho dancer bago siya napili na maging lead actor sa pelikulang Ang Babae sa Breakwater, ang 2003 movie ng namayapang direktor na si Mario O’Hara.

SCENE: Matagal na hindi mapapanood si Nora Aunor sa Never Say Goodbye dahil nagpunta siya sa Amerika. Pinalabas na binaril at nawawala ang karakter ni Nora sa Never Say Goodbye ng TV5.

SEEN: Papasa na shampoo ad ang poster ng Must Be Love, ang pelikula ng Star Cine­ma na tinatampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

SCENE: May mga kamukha sina Miriam Quiambao, Shamcey Supsup, at Janine Tugonon sa 50 official candidates ng 2013 Bb. Pilipinas.

SEEN: Walang sense of humor ang mga naniniwala na ang comedienne na si Cacai Bautista ang bagong girlfriend ng Thai actor na si Mario Maurer.

SCENE: Ang version ni Sam Milby sa kanta na Nasa Iyo Na Ang Lahat ang ginamit na theme song ng Must Be Love. Si Daniel Padilla ang original interpreter ng Nasa Iyo Na Ang Lahat na official entry sa 2013 Himig Handog P-Pop Love Songs.

 

ANG BABAE

CACAI BAUTISTA

DANIEL PADILLA

HIMIG HANDOG P-POP LOVE SONGS

JANINE TUGONON

KRISTOFFER KING

MUST BE LOVE

NASA IYO NA ANG LAHAT

NEVER SAY GOODBYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with