Mga bata sa ampunan dinala sa ‘circle of fun’
MANILA, Philippines - Parang post-Christmas na regalo para sa mga batang ulilang nasa kandili sa Caritas-Manila, Caritas-Quezon City at Merichel Foundation-Marikina City ay nag-blow out sa kanila ang mga miyembro at opisyal ng Ricky Reyes Foundation (RRF).
Sobrang excited ang mga bata nang sunduin sila ng mga sasakyan na maghahatid sa kanila mula sa mga orphanage hanggang sa Circle of Fun sa Kyusi. Lalo silang sumaya nang sumakay sa naroong carnival rides at bago sila magsalu-salo sa isang early dinner ay ipinamahagi ni Mader Ricky Reyes ang iba’t ibang regalo.
Nakatulong ng RRF sa Share-A-Toy event ang mga miyembro ng Fil-Hair Coop at mga managers na Gandang Ricky Reyes Salon na kasama ni Mader sa naturang okasyon (nasa larawan). Nagmistula silang ninong at ninang ng mga ulilang bata.
Ang iba pang proyekto ni Mader na para sa mga bata’y ang Munting Paraiso sa childrens cancer ward ng Philippine General Hospital at ang bahay-tuluyan para sa mga batang maysakit na Childhaus sa Mapang-akit Street sa KamuÂning, Quezon City na ang lupa’t bahay ay donasyon ni Mr. Hans Sy ng SM Group of Companies.
- Latest