Aktor binili ang kalaban para hindi na mahirapan mangampanya?!
Halatang sumama ang mukha ng isang actor-politician nang tanungin ng isang reporter kung totoong binayaran niya ang dapat sana’y makakalaban na sa position sa darating na election para hindi na ituloy ang pagtakbo.
Nagulat ang actor-politician at sinabi sa reporter na first time niyang narinig ang isyung ’yun sa rami nang nag-interview sa kanya. Napansin naming nawalan ng gana ang actor-politician na sagutin ang mga sumunod na tanong ng reporter.
May isang tanong ang reporter na sinabayan ng tanong ng isa pang press, talagang sinabi ng actor-politician na ’yung tanong ng isang press ang una niyang sasagutin. Parang hindi nahalata ng press na na-offend ang actor-politician.
In fairness sa actor-politician, wala itong record gaya nang sinabi ng reporter. Lumalaban ito ng parehas at ang mahusay na track record in governance ang panglaban niya tuwing election. Pero bago matapos ang interview, good mood na uli si actor-politician.
Aljur inaahas kay Kylie!
Naintriga kami sa tweet ni Kylie Padilla kahapon na, “Be brave and call me by my name. ‘girlfriend’ is not my name. Oh and yes the guy you’re eyeing is mine.â€
Ang taray ’di ba? Kung may pinatutungkulan man si Kylie sa tweet niyang ito ay gusto naming malaman at sana kahit clue magbigay ang bida ng Unforgettable ’pag muli namin siyang nakausap.
Masaya pa naman si Kylie dahil open na sila ni Aljur Abrenica ng kanilang relasyon at inamin nitong mas maganda na hindi na sila nagtatago, mas magaan at nakikita niyang happy din ang tao sa pagiging open nila.
Saka maganda ang open sila sa kanilang relasyon para malamang taken na siya at taken na si Aljur para wala nang umeksena. Tingnan n’yo nga at sa tweet ni Kylie, parang may gustong umeksena kay Aljur.
Anyway, tama ang sinabi ni Kylie na madrama ang Unforgettable dahil sa episodes na napapanood namin, wala siyang ginawa kundi umiyak at nakulong pa ang kanyang karakter.
Derrick nilalait ang pagkatao ng best friend
“Insecure†ang pabirong sagot ni Kristoffer Martin sa pabiro ring panglalaglag sa kanya ni Derrick Monasterio na telegenic lang siya pero sa personal si Derrick ang mas guwapo. Ipinagmamalaki pa ng young actor na mas matangkad siya kay Kristoffer na “insecure†pa rin ang sagot.
Best friends ang dalawa at sanay na sa pang-ookray ng bawat isa at alam ni Kristoffer na happy si Derrick sa kanya dahil after Pahiram ng Sandali, may bago siyang soap. Sila ni Enzo Pineda ang leading men ni Kim Komatsu sa Kakambal ni Eliana at blessings ito para kay Kristoffer.
Isa pang rason kung bakit hindi puwedeng mag-away sina Kristoffer at Derrick ay dahil madalas sabay nilang inilalabas ang special girls nila. Madalas sa Robinsons Magnolia (Quezon City) sina Kristoffer at GF nitong si Joyce Ching at sina Derrick at Barbie Forteza na friends pa lang daw.
Hindi pa nagti-taping si Kristoffer para sa Kakambal ni Eliana dahil hindi may three days taping pa sila sa Pahiram ng Sandali.
Gloria hindi matatanggap ang Lifetime Achievement award
Sayang naman kung hindi makakadalo si Gloria Romero sa 2012 Golden Screen TV Awards ng ENPRESS o Entertainment Press na gagawin bukas ng gabi sa Teatrino sa Greenhills, San Juan. May taping daw ng Forever ang veteran actress at importanteng eksena ang kukunan kaya baka hindi payagan ni Direk Ricky Davao na umalis sa taping kahit sandali lang.
Tatangap si Ms. Gloria ng Helen Vela Lifetime Achievement Award for Drama at maganda sana kung personal niyang tatanggapin ang plaque. Masipag pa namang dumalo sa awards night ang aktres ’pag nominado siya, manalo man o matalo.
Si Nova Villa ang tatanggap ng Helen Vela Lifetime Achievement Award for Comedy at si Mel Tiangco ang tatanggap ng Helen Vela Lifetime Achievement Award for News Broadcast.
Ang actor/director na si Eddie Garcia naman ang tatanggap ng first Dolphy Lifetime Achievement Award: Ulirang Alagad ng Sining in honor of the Comedy King. Si Mr. Garcia ang napili dahil pareho sila ni Dolphy na professional, dignified, at respectable.
Sina Arnell Ignacio, Julia Clarete, at Kim Atienza ang segment hosts ng 2012 Golden Screen TV Awards.
- Latest