^

PSN Showbiz

Talent manager isang dekada nang nakakulong, dating alaga ninakawan ng anak

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sampung taon na palang nakakulong ang dating talent manager na umano’y inireklamo ng isang pulitikong Kano. Mismong ang dating alaga ng talent manager na sinasabing inireklamo ng pambubugaw kaya nakulong ang nagkuwento tungkol sa na­ging kapalaran ng dating talent manager na si Bing Tongco.

Ayon kay Raja Montero (naalala n’yo pa ba siya? Siya ay isa sa mga menor de edad na naghubad sa pelikula noong kainitan ng mga bold films), ang alam niya habang-buhay na pagkakulong ang naging hatol sa dati niyang manager.

At kaya naman lumantad si Raja ngayon ay para humingi ng tulong sa kinauukulan tungkol sa nawawala niyang anak na sinabi niyang dinukot mismo ng ama ng bata.

Ayon sa kanyang kuwento, halos isang taon na niyang hindi nakikita ang anak. One year old ito nang itakas ng ama.

Dumalaw daw ang ama ng bata na isang Chinese sa bahay nila. May sakit  ang anak nila at ang nanay niya ang inabutan nito sa kanilang bahay. Pinapasok naman ang ama sa pag-aakalang dadalaw lang. Pero nang i-check ng kanyang nanay ang anak niya, wala na sa kuwarto. Naitakas na.

Wala na silang nagawa dahil hindi naman nila alam kung saan hahabulin ang ama ng kanyang anak.

Nagpa-blotter naman sila pero wala pa ring ni katiting na impormasyon silang nakukuha kung nasaan na ang anak niyang isang babae.

Nagpa-plano si Raja na magbalik showbiz kung may magandang pagkakataon. Feeling niya, makakatulong ‘yun para makita niya ang hinahanap niyang anak.

Ang huling pelikula niyang ginawa mga six years ago ay kasama si Mark Lapid, ang Boy Scout Hero.

Sa kasalukuyan ay nagso-show siya sa iba’t ibang club para kumita.

Nakapagtayo naman siya ng itikan at nakabili ng lupa sa mga kinita niya noon.

Fifteen years old lang siya noon nang sumabak sa hubaran sa pelikula.

Sharon nagparamdam sa balwarte ni Aga

Si Megastar Sharon Cuneta naman ang dumayo sa Camarines Sur para tulungan ang kandidatura ni Aga Muhlach na kapwa niya Kapatid sa TV5.

Siyempre nagpapasalamat si Aga at ang misis niyang si Charlene Gonzales sa biglaang pagbisita ni Mega sa CamSur.

Matagal-tagal nga namang nawala sa eksena si Sharon matapos matsugi ang kanyang daily talk show sa TV5 at sa CamSur pa siya lumitaw.

Nagbakasyon ang pamilya nila sa Japan at hindi pa nagbibigay ng pahayag ang megastar kung ano ang plano nila although kinumpirma ng Viva, ang nagha-handle sa kanyang career, na may pinag-uusapan ng programa para kay Sharon.

Naging malapit na magkaibigan sina Aga at Sharon. Meron nga sana silang gagawing pelikula bilang balik-tambalan pero walang nangyari.

Isa lang si Sharon sa maraming artistang tumutulong kay Aga. Kamakailan ay dumating din doon si Coco Martin. Nauna na ring dumating doon si Angel Locsin at marami pang iba.

Iba ang nagagawa nang magaling makisama.

 

AGA MUHLACH

ANAK

ANGEL LOCSIN

AYON

BING TONGCO

BOY SCOUT HERO

CAMARINES SUR

CHARLENE GONZALES

COCO MARTIN

NIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with