Kahit natukso sa iba Cesar hindi masisi ni Mayor Lim, alam na pinagsabihan
Aware si Mayor Alfredo Lim sa pinagdaraanan ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz. Pero hindi naman daw nanghihingi ng advice sa kanya ang actor na bida sa pang-apat na pelikula ng kanyang buhay, Alfred S. Lim, The Untold Story.
“Masisisi ba natin si Cesar eh magandang lalaki? Siyempre natutukso,†sabi ni Mayor sa kanyang inaanak sa kasal habang tatawa-tawa.
“Kung minsan, may misunderstanding. Kaya naman ni Cesar na gamutin ‘yon. Lumilipas din naman ’yan. ’Ika nga, pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang pasok. Ibig sabihin, kasal naman sila ni Sunshine, may mga anak sila, they should live, ’ika nga, lovingly and happily ever after. Hindi naman maaalis ang mga tampuhan eh. ’Yung ganyan, part of life lalo na sa movie people. Maraming temtasyon diyan eh!â€
Pero minsan palang binanggit ni Mayor Lim ang misis ni Buboy.
“‘Bakit hindi na lang si Sunshine ang kuning leading lady dahil abala yata ’yung unang kinukuha?†pag-alala ng alkalde na lumaki sa ampunan.
“Pero kung kinuha niya si Sunshine siguro walang gulo ngayon. Hahaha!â€
Samantala, pinatotohanan din niya na importante ang chaÂracter na ginampanan ni Krista Miller na ugat ng problema nina Cesar at Sunshine.
Showing na sa Feb. 27 ang pelikula at may premiere night sila sa Feb. 26.
Ted ni-lecture-an ng taga-PAGASA
Taklesa ang isang weather forecaster ng PAGASA na nakausap ni Mr. Ted Failon last Friday sa kanyang radio program na Failon Ngayon sa DZMM.
Tanong kasi ni Mr. Failon, “So, kailan naman mararamdaman ang summer sa ating bansa?†Dahil nag-uulan noong Friday samantalang marami na nga namang excited sa bakasyon.
“Walang summer sa ating bansa dahil wet and dry lang ang nararanasan dito sa atin,†sagot ng weather forecaster.
Hindi pa nasiyahan sa naunang sinabi, nagpatuloy pa ito sa pagsasabi tungkol sa panahon lang sa Pilipinas at sa ibang bansa lang daw merong four seasons – spring, summer, fall and winter — na animo ay walang alam si Mr. Failon.
Natawa na lang ang radio anchor at dinaan na lang sa biro ang ginawa ng weather forecaster.
For a change ay nabaligtad ang pangyayari. Siya na ang tinuruan. Hahaha!
AM radio commentator parang lasing ’pag nasa ere
Usapang AM radio pa rin.
Para namang laging lasing ang isang radio anchor na umeere gabi-gabi ang programa.
Sa tuwing makikinig ako sa kanya, tuwing magsasalita, parang nakainom. May pagkakataong nagkakabulul-bulol pa siya.
I’m sure hindi naman marami ang nakikinig sa kanya dahil ’yung mga pinag-usapang isyu na ang tinatalakay niya ay nagbibigay lang ng sari-sariling opinion niya.
Lasing nga kaya siya?
- Latest