^

PSN Showbiz

Iniilusyong modelo, umaming bakla; Kapuso young actress kumpirmadong buntis!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pinag-usapan ng mga kabadingan itong Peruvian mo­del na si Sebastian Castro nang aminin niyang isa siyang berdaderong bading. Naloka ang mga beki dahil matagal nila itong pinagpantasyahan. Pero kahit aminado nang bading, type na type pa rin siya at pinagpapantasyahan ng mga bakla.

 Isa siya sa special guests sa H.O.T TV mamayang hapon para ikuwento ang mga pinagdaanan niya pagkatapos niyang aminin ang kanyang kabadingan.

PAK: Nangako si Mommy Eva Cariño-Padilla kay BB Gandanghari na papanoorin nito ang kanyang stageplay na Halik ng Tarantula na magsisimula sa March 7 sa Teatrino sa Greenhills, San Juan. Binigyan na siya ng ideya ni BB kung ano ang mapapanood nito sa naturang stageplay.

Sabi raw sa kanya ni Mommy Eva: “Naku, sandali! Pag-isipan ko pa. Baka paglabas ko ng theater luka-luka na ’ko!”

Hindi naman mapilit ni BB ang mga kapatid niyang lalaki lalo na si Robin Padilla kung panonoorin nila ang kanyang stageplay.

 â€œI don’t wanna push it. Pero sabi ng Mommy ko, ang makakasama niya, once interesting is ’yung mga pamangkin kong lalaki. They wanna see,” bulalas nito.

BOOM: Hindi naman ikinakaila ng dating Start Struck avenger at Survivor Philippines Castaway na si Stef Prescott na two months preggy na siya ngayon.  Nabuntis siya ng nonshowbiz boyfriend niyang isang businessman.

Ang latest na nabalitaan namin, kontra ang mother niya sa kanyang boyfriend kaya bumukod na si Stef at tumira  sa sariling apartment. Hindi naman daw sila live-in lovers nitong boyfriend niya pero lagi raw siyang binabantayan at sinasamahan.

Dapat nga ay magsasalita na si Stef sa Startalk para sa mga pinagdadaanan sa kanyang pagbubuntis pero pinigilan daw ng kanyang boyfriend dahil mas gusto pa nitong tahimik na lang.

Balak ni Stef na sa Amerika siya manganganak.

Sa first quarter pa lang ng 2013 ay dalawang taga-Starstruck na ang buntis: Sina Stef at Iwa Moto.

vuukle comment

IWA MOTO

MOMMY EVA

MOMMY EVA CARI

PERO

ROBIN PADILLA

SAN JUAN

SEBASTIAN CASTRO

STEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with