^

PSN Showbiz

Team Pacquiao aariba na rin sa pulitika?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa rambulan sa ring, kilalang People’s Champ si Manny Pacquiao. Pero sa pulitika, bakit tila kasabay niyang nagte-training ang asa­wa’t kapatid niya? Nagbubuo na rin nga ba sila ng Team Pacquiao sa pulitika?

Iyan ang sasagutin ni Jorge Cariño sa bagong handog ng KampanyaSerye ng ABS-CBN News and Current Affairs na pinamagatang Pacquiao-an simula Lunes (Feb. 25) sa TV Patrol.

 Matapos ma-knock-out kay Rep. Darlene Antonino-Custodio noong 2007 para maging kinatawan ng u­nang distrito ng South Cotabato, bumawi si Pacquiao nang manalo siya sa Kongreso noong 2010, hindi sa South Cotabato, kung hindi sa hometown ng asawang si Jinkee na Sarangani province. Muli siyang tatakbo sa parehong puwesto ngayong 2013 ng walang kalaban.

 Ngunit tila maliit ang Sarangani para itulak ang kanyang mas malaki pang ambisyon sa pulitika sa hinaharap.

 Malakas nga ang haka-hakang nakatuon ang mata ni Pacman sa pagtakbo sa Senado sa 2016 kaya naman sinisimulan na umano nitong paandarin ang kan­yang makinarya sa pulitika sa pagpapatakbo ng kan­yang asawang si Jinkee bilang vice governor ng Sarangani habang ang kanyang kapatid na si Rogelio, na kasalukuyang barangay captain sa General Santos City, ay tatakbo naman sa Kongreso bilang kinatawan ng South Cotabato.

Magtagumpay kaya si Pacquiao sa pagsisimula niya ng sariling dinastiya na magbibigay daan para sa pagpasok niya sa Senado o ’di kaya sa Malacañang?

Diana araw-araw tumatakbo

Boxing and running pala ang pinagkakaabalahan ngayon ni Diana Zubiri kaya ang perfect ng figure niya. “That’s actually the secret, how I was able to maintain my figure—I run five kilometers every day and do squats saka ibang mga exercise pa. Siyempre, kasama na rin ’yung Shape and Sculpt ng Flawless. The other photo naman (nasa itaas), ’yung may chair akong hawak, it shows my quiet yet romantic side. Alam ng mga tao na nakapaligid sa ’kin that I’m really private, especially when it comes to matters of the heart,” paliwanag ni Diana na hindi pa natin siyempre nalilimutan ang ginawa niyang pictorial sa EDSA-Shaw Flyover na pinag-usapan nang husto nang mag-umpisa siya sa showbiz.

Doon nagsimula ang lahat. Nabigyan siya ng magagandang fantaserye sa GMA 7, Encantadia at Etheria.

Pero ang kino-consider na major landmarks ng kanyang career ay ang manalo siyang best actress para sa indie film na Bahay Bata mula sa Young Critics Circle last year at ang best actress nomination sa URIAN para pa rin sa nasabing pelikula.

At ngayon mas seryoso ang gagawin niyang acting sa pagsabak niya sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin na pinagbibidahan ni Gerald Anderson at inaasahang malalampasan ang ginawa niya sa Bahay Bata.

At hindi lang ang career ni Diana ang maganda ang tinatahak. Siya rin ang bagong mukha ng Flawless.

Siya ang mangunguna sa Flawless’ Summer of Love Affair campaign na pinili mismo ng Flawless CEO na si Ms. Rubby Sy. 

“Everyone loves summer. Its promise of long-lasting dry and warm weather makes it the best season to set out and try new things. Generally speaking, people are more adventurous during this time of the year. However, there are still some of us who are afraid to explore due to physical restrictions—restrictions that served as inspiration for us to come out with this offer.”

May, summer promo ang Flawless from Feb. 10 to March 31 — every Mesolipo treatment entitles Flawless patients to a free session of Shape and Sculpt, a revolutionary treatment that combines the slimming power of Cavitation Ultrasound, Bi-Polar Radio Frequency and Interference Frequency. Kapareho ito ng technology used by top aesthetic clinics in Japan, U.S.A and Europe. Mesolipo is a medical procedure that effectively melts localized fats. It entails injecting a medication that contains L-Carnitine and other fat burning agents to reduce and contour undesired pockets of fat.

Sa mga bibili rin ng skincare kit makakakuha din sila ng libreng Classic Facial. In addition, Sweatox, an FDA-approved treatment that uses small amounts of Botox to stop sweating by temporarily blocking signals that stimulate the sweat glands, is at 25% off.

So, maging kasing katawan na kayo ni Diana ’pag nag-Flawless.

 

vuukle comment

A AND EUROPE

BAHAY BATA

BI-POLAR RADIO FREQUENCY AND INTERFERENCE FREQUENCY

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

PACQUIAO

SARANGANI

SHAPE AND SCULPT

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with