^

PSN Showbiz

Bayaning Yagit nasa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, ibabahagi ng Magpakailanman ang kuwento ni Kesz Valdez, isang batang kalye na bagamat sa estado ng buhay ay naging International Children’s Peace Prize awardee.

Sa masalimuot na mundo ng libu-libo nating mga batang-kalye, may isa na namukod-tangi: ito si Kesz Valdez.

Walang pinagkaiba si Kesz sa ibang mga batang-kalye na ipinanganak at pinalaki sa tambakan ng basura. Tulad ng mga kasamahan sa landfill, isang kahig at isang tuka ang pamumuhay ng kanyang pamilya, at kapag walang kita, napagbubuntungan siya ng galit ng kanyang ama.

Kahit ganoon pa man ang kanilang sitwasyon, hindi nawawalan ng pangarap si Kesz na yumaman, na makaalis sa lugar na kinalakihan at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina at mga kapatid.

Ngunit magbabago ang buhay ni Kesz nang isang gabi ay malagay sa peligro ang buhay niya. Dahil sa walang kapera-pera, mapipilitan lumapit ang kanyang ina kay Teacher Bonn, isang mapagmalasakit na teacher sa area nila.

Dahil sa kondisyon ni Kesz, mapipilitan ang ina niyang iwan siya kay Teacher Bonn. Yun nga lang, ang akala ni Kesz ay sa paggaling niya ay babalikan rin siya ng ina. Laking gulat nito nang hindi na mu­ling magpakita ang ina sa kanya. Naisip kasi nito na mas magiging maganda ang buhay ni Kesz kung tuluyan na itong mamuhay kasama ng guro.

Sa una ay hindi matatanggap ni Kesz ang bagong buhay. Hindi niya gusto ang mawalay sa ina, kahit gaano pa man kabuti ni Teacher Bonn sa kaniya. At dahil sa laking kalye si Kesz, may mga naka­sanayan rin siyang hindi madaling talikuran. Kabilang na rito ang pangungupit, na siyang ga­gawin niya kay Teacher Bonn.

Ganoon pa man, hindi magagalit si Teacher Bonn. Bagkus ay uunawain pa niya ang lagay at pinanggagalingan ng bata. Ito ang magiging tur­ning point sa buhay ni Kesz, kung saan niya makikita na hindi lahat ng tao ay makasarili—na may mga taong may tunay na malasakit sa kap­wa.

Ngunit paano nga ba tuluyang tatalikuran ni Kesz ang nakasanayan? Paano niya itutuwid ang landas niyang matagal nang binaluktot ng buhay?

Ilan lang ‘yan sa mga kuwentong sasagutin sa pagtatanghal ng life story ni Kesz Valdez, ang International Children’s Peace Prize awardee noong 2012, sa natatanging pagganap ni Vincent Magbanua bilang Kesz Valdez at Benjie Paras bilang Teacher Bonn ngayong Sabado ang Magpakailanman pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa GMA 7.

AMAZING STORIES

BENJIE PARAS

BUHAY

DAHIL

INTERNATIONAL CHILDREN

KESZ

KESZ VALDEZ

PEACE PRIZE

TEACHER BONN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with