ABS-CBN executives at employees, sinampahan ng libelo !
MANILA, Philippines - Alinsunod sa utos ng Department of Justice (DOJ), iniutos ng Office of the Quezon City ProseÂcutor ang pagsampa ng dalawang counts ng libel sa ilang kasalukuyan at dating executives at empleyado ng ABS-CBN dahil sa mga malisyosong pahayag na umere laban sa GMA Network.
Matatandaan na nagsampa ng kaso ang GMA laban sa officers at empleyado ng ABS-CBN pagkatapos akusahan ng huli ang GMA na nagnakaw at nag-ere ng live feed ng pagdating ng Iraqi captive na si Angelo Dela Cruz sa Ninoy Aquino International Airport sa GMA newscast noong July 2004. Mariin itong itinanggi ng GMA at sinabing ang nasabing live feed ay mula sa Reuters Television Service (Reuters) kung saan sila ay may video subscription contract.
Sa resolusyon ng DOJ na inilabas noong December 14, 2011, iniutos ni DOJ Secretary Leila de Lima ang pagsampa ng kasong libel laban sa ABS-CBN respondents dahil napatunayan ng GMA na lahat ng elemento ng libel (defamatory imputation, malice, publication, at identifiability of the person defamed) ay matatagpuan sa mga news report ng ABS-CBN tungkol sa pag-ere ng GMA ng mga footage ng pagdating ni Dela Cruz.
Ang libel case ay inihain laban sa mga ABS-CBN executives at empleyado na sina Erwin Tulfo, Beth Frondoso, Lynda Jumilla, Maria Progena Estonilo Reyes, Annie Eugenio, Dondi Garcia, Eugenio Lopez III, Luis Alejandro, Jose Ramon Olives, Jesus Maderazo, Luisita Cruz-Valdez, Jose Magsaysay Jr., at Alfonso Marquez.
Samantala, sinabi ni GMA Network Consultant to the Chairman and CEO for Corporate Communications Butch S. Raquel na malakas ang kaso ng GMA laban sa ABS-CBN.
Nauna nang ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang copyright infringement case ng ABS-CBN laban sa GMA para sa diumano’y paggamit nito ng live feed ni Angelo dela Cruz nang walang pahintulot ng ABS-CBN.
- Latest