Unang batch ng Kanta Pilipinas finalists, ipinakilala na
MANILA, Philippines - Naging kapana-panabik ang kauna-unahang elimination night ng Kanta PiliÂpinas noong nakaraang Sabado. Kabilang sa unang batch nang nakapasok sa Top 12 ay sina Timmy Pavino, Thara Jordana, 5az1, Nicole at Carlo David, Dea Formilleza at Allan Gonzales.
Namangha ang mga judges at viewers sa galing at taas ng kalibre ng mga hopefuls. Samantala, nakapasok mula sa second batch ng finalists sina Dea Formilleza, ang girl-next-door mula sa Davao, at si Allan Gonzales, na mula sa Quezon City na pinatunayang hindi sagabal ang kanyang kapansanan sa pagkamit ng kanyang pangarap.
Ang mga nasabing finalists ay pinili ng host na si Rico Blanco at ng tiniÂtingalang panel of judges na kinabibilangan nina Maestro Ryan Cayabyab at Asia’s Nightingale Ms. Lani Misalucha kasama ang multi-awarded songwriter, producer at hit-maker na si Mr. Vehnee Saturno.
Huwag palalampasin ang mas umiinit na kompetitisyon sa TV5 – Kanta Pilipinas, tuwing Sabado, 9:00PM sa TV5.
- Latest